V

2035 Words
Awtomatikong naiirap ni Lana ang kanyang mga mata nang matanaw ang pamilyar na pigura ng lalaking nakasandal sa isang mamahaling sasakyan. Sa tangkad nito ay hindi talaga imposible na hindi ito maging takaw-atensyon. Isa pa, ito lang ang nag-iisang nakasuot ng maskarang nakatakip sa kalahati ng mukha nito. Para pa itong kapre na nananabako habang nakatanaw sa kanya. Palaging ganoon. Ilang araw na rin siyang sinusundan ng lalaki, palaging nakasuot ng suit o kaya ng polong puti na may pagkahapit sa katawan nito, may maskara, nananabako. Minsan nga ay nais niyang matawa dahil parang engkanto ang lalaki. Ganoon pa man, alerto pa rin siya at baka maulit na naman ang nangyari noong isang gabi. Isang kapreng napakaguwapo, bulong ng isip niya. Naipiling ni Lana ang kanyang ulo. Hindi niya dapat kalimutan na ang lalaking iyon ay ang ampon ng kanyang tunay na ama. Dire-diretsong naglakad ang dalaga palabas ng gate ng paaralan. Tapos na ang kanyang klase kaninang tanghali pa ngunit may mga tinapos pa siyang lesson plan kung kaya naman inabot na siya ng hapon. "Lana, sakay na," maawtoridad na utos nito sa kanya. Tila bingi na nagpatuloy ang dalaga sa paglalakad. Hindi siya nagpatinag sa napakalaking bulto ni Vladymir Krasny. Kung halos lahat ng tao sa siyudad ng X ay natatakot dito, puwes siya ay hindi. Isang tadyak niya lang sa maselang bahagi nito ay tiyak na titiklop ito na parang makahiya. Inulit nito ang pagtawag sa kanya ngunit hindi siya kumibo o huminto man lang. Napapalatak ito at bumuga ng usok mula sa tabakong subo-subo nito. Pagkatapos ay sinundan siya sa paglalakad. Aba't— Nagpipigil ng inis ang dalaga. Mananawa rin naman siguro ang lalaking iyon sa pagsunod sa kanya. Isa pa, marami siyang kailangang daanan upang alalahanin pa ang Vladymir na iyon. Kailangan niya pang magpunta sa grocery, kuhanin ang mga ipina-laundry niya, at dumaan sa botika upang bumili ng vitamins. Hindi pa rin nabubura sa isipan ni Lana ang nangyari noong gabing iyon. Ang mga halik nito, ang mga hawak, ang bawat pag-ungol ni Vlad ay tila tuksong nagpapabalik-balik sa kanyang isipan. Kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata ay nararamdaman niya pa ang bawat haplos nito. Nakakabaliw, aaminin niya. Kaya naman pilit na lang niyang isinisiksik sa utak na bangungot lamang ang lahat. Isang napakasarap at napakagandang bangunot. "Lana, talk to me," utos ulit nito. "Turn around and talk to me." Hindi niya ito sinunod. Hindi siya dapat magpadala sa pananakot nito o kahit na sa pagpapapansin nito sa kanya. Baka kung saan na naman mapadpad ang negosasyong iyon. Isa pa, nasa kalsada sila. Alam niya na hindi ito magtatangka ng kahit na anong masama dahil sikat na sikat ang araw. Keber bang isa itong Krasny, kapag kinuyog ito ng ibang mga tao sa paligid ay tiyak na wala itong laban. "Oh, so you want me to follow you, temptress? Okay then," may halong pang-aasar na sabi nito. Hindi niya ito pinansin. Bahala siya sa buhay niya, sa isip-isip ni Lana. Kaunti na lang at mararating na niya ang gorcery store na malapit sa paaralang pinagtatrabahuhan. Siguro naman ay hindi na siya nito susundan patungo roon. "Did you even know that you were my first, Lana? You were the first one to touch my body. To kiss me and..." Tumawa ito. Ang baritono nitong boses ay tila kung anong mahika na tinutukso siyang lumingon. "I don't mind repeating what happened that midnight, you know." Repeating what happened that midnight? Neknek mo! sigaw ng isipan niya. Ngunit pinili niya na manahimik. Inaasar lang siya nito para lingunin niya ito at kausapin. Magpapatigasan sila, at wala siyang balak na magpatalo rito. "Well, I mean you're supposed to be my little sister, but we're not related by blood, anyway. Kung 'yon ang inaalala mo, Lana, don't worry. Hindi mo ako kadugo. And if you're worrying about Papa, he won't know, I promise. Hindi ko ipagkakalat kung gaano ka... kagaling." Tingnan mo ang hinayupak na 'to, bulong ng isipan niya. How dare he make her remember how wild she was that night! And worse, isinisingit na naman nito sa usapan ang kanyang ama. Lalong kumukulo ang dugo ng dalaga kapag naririnig na nababanggit iyon. But being a preschool teacher, Lana got loads of patience and temper. Nagsuot siya ng earphones at nagpatugtog ng malakas na awitin hanggang sa makapasok siya sa lob ng supermarket. Hindi pa rin siya nito iniiwan. Nakasunod lang at parang naghihintay lang na bumigay siya sa pangungulit nito. Nang abutin niya ang push cart ay inunahan siya nito. Wala na ang tabako sa bibig nito. Humila si Vlad ng isa at ibinibigay sa kanya. Parang walang nakita na humila si Lana ng sarili niyang push cart at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. She can faintly hear his loud cussing. Mukhang naiinis na ito. Bahagya siyang napangisi. Parang mauuna pa itong sumuko kaysa sa kanya. As she silently scanned the aisles, she can see at the corners of her eyes the tall and large build of Vladymir Krasny. Tila nagtitimpi habang hinihintay siya na matapos sa ginagawa niya. O tapunan ito ng tingin. Dahil may pagkapilya ay mas lalong tinagalan ng dalaga ang ginagawa. Hindi pa nakuntento ang dalaga. Talagang iginagalaw niya ang kanyang balakang at bahagyang pinapalambot ang bawat galaw para asarin ang lalaki. Napapansin niya sa gilid ng mga mata niya ang mga paglunok nito. Tila nais kumawala ng tawa mula sa kanyang mga labi. Lalaki ka lang, Vladymir Krasny. Babae ako. At kayang-kaya kitang baliwin hanggang sa ikaw ang sumuko, bulong ng isipan niya. Nang magawi sa vegetables and fruits section ay tila may bumbilyang sumindi sa tuktok ng bumbunan ni Lana. Kinuha ang pipino na nananahimik at pinadaan sa mga kamay. Gumalaw ang gilid ng mga labi niya nang marinig ang pagtikhim nito. Napahalukipkip si Vlad na tila may pinipigilang gawin. Ramdam ng dalaga ang nalalapit na pagwawagi kaya hindi pa siya nakuntento. Inilapit sa labi ang pipinong kanina lamang ay nasa kamay niya. Pagkatapos ay tinapunan ng tingin ang lalaki na tila may inaasahang makita. Nginisian niya ito bago tinalikuran at inilagay ang pipino sa push cart niya. Really, Lana? bulong ng isipan niya. Kailangan talagang gawin 'yon sa pipino? Pareho silang hindi umiimik habang kinukuha ni Lana ang mga kailangan niyang bilhin. Mukhang na-warshock ang loko. Tiyak ng dalaga na malapit na itong sumuko sa ginagawa nitong pagsunod sa kanya at medyo papagabi na kaya nagbayad na siya ng kanyang mga pinamili at lumabas ng gusali. Nakasunod pa rin si Vlad sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mamangha sa tatag nito ngunit alam niya na hindi iyon magtatagal. Bibigay din ito. Susuko. Sunod niyang dinaanan ang laundry shop kung saan madalas niyang ipalinis ang kanyang mga damit. Kilala na niya ang nagbabantay roon kaya naman nang bumungad siya sa pintuan ay mabilis nitong kinuha ang plastic na naglalaman ng kanyang mga damit. Medyo marami na ang bitbit niya at akmang kukunin ni Lana ang plastic na puno ng kanyang damit nang pigilan siya ni Vlad. "Let me, Lana." Hinawakan niya ang plastic. "I don't need your help, Mr. Krasny." "I insist." "Well, I don't want to accept your help. Don't insist." Ngumisi ito. "Why? Natatakot ka ba na baka humingi ako ng kapalit?" Mahina siyang natawa. "Kahit na walang kapalit, Mr. Krasny, ayoko." Lalong lumapad ang pagkakangisi nito. "I'm not asking for a payment, Lana. Pero kung magkukusang-loob ka, ayos naman na sa akin ang isang gabi..." Mapakla siyang ngumiti bago hinablot ang plastic mula sa mga kamay nito. "Manigas ka d'yan." "Oh, matigas na talaga. Kanina pa." Wow, sa isip-isip ni Lana. Ngayon ay nakikipag-asaran na rin ito sa kanya. Hindi niya alam kung palpak ba ang mga pinaggagagawa niya o naging matagumpay. Ang alam niya lang, nilampasan niya ito at tumawid patungo sa kaharap na botika. Hindi pa rin ito sumusuko. Hanggang doon ay sumunod pa talaga ito sa kanya. Nang lumapit siya sa pharmacist ay kaagad niyang sinabi ang kanyang pakay. "Ascorbic acid nga po. One bottle." Hindi niya inaasahan ang susunod na sasabihin ng lalaki. "Dagdagan niyo na rin po ng condom. 'Yong extra-sensitive. Ako na po ang magbabayad." Dahil sa pinaghalong inis, gulat, at hiya ay nilingon niya ito. "Puwede bang bumili ka ng sarili mo? Stop following me around, Mr. Krasny." Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi nito. Sumulyap sa pharmacist. Pagkatapos ay sa kanya. "I told you, I insist." Nang sulyapan niya ang pharmacist ay namumula ang mukha nito. "Mga ma'am, sir, may bibilhin pa po ba kayo?" Nararamdaman na niya ang pag-iinit ng kanyang tainga nang magsalita ulit si Vlad. "I'll get two boxes of condoms, please." "Pakibilisan na lang, pakiusap," halos paanas na sambit ng dalaga. Ngayon ay parang gusto niyang lamunin ng lupa. Basta makalayo sa lalaking ito. Kaya naman nang dumating ang botelya ng ascorbic acid na binili niya ay dali-dali niya iyong kinuha pagkatapos ay naglakad papalayo. Narinig niya pa ang pagsasabi ni Vlad ng 'keep the change' sa pharmacist bago siya sinundan. "Are you going home now, Lana?" "None of your business." Nagkibit-balikat ito. "Okay. I know where you live, anyway." Gusto niya mang iligaw ang lalaki ay hindi niya magawa. Malayo kasi ang bahay ni Mallorie. Wala na siyang ibang kakilala na nakatira lang sa malapit. Isa pa, alam naman niya na alam ni Vladymir kung saan siya nakatira at kung saan siya nagtatrabaho dahil halos isang linggo na siya nitong sinusundan. May parte kay Lana na gustong hatakin ang lalaki. Gustong isama sa kanyang tahanan. Kanina niya pa iyon nararamdaman. Sa totoo lang, ilang araw na niya iyong nararamdaman. Para bang mantsa si Vladymir at ang gabing iyon na hindi maalis sa isipan niya kahit na anong gawin niya. She knew she doesn't care if Vlad is her adopted brother or if he's a Krasny or if he's just looking for someone to have s*x with. She can feel this itch, this aching inside her that she wants to quench. Pakipot na kung pakipot. Maharot na kung maharot. But Lana knew herself more than anyone else. Mapanukso siya ngunit kapag pangangailangan na niya ang pinag-uusapan, kinakaya niyang panandaliang lunukin ang kanyang pride para lang ma-satisfy ang sarili. Kaya niyang kalimutan saglit ang galit sa kanyang ama at tanggapin ang alok ng lalaking ito. Isang gabi lang. Isang gabi lang talaga. Nang marating niya ang kanyang apartment ay nasa likuran niya pa rin ito. Inilabas niya ang susi niya at binuksan ang pinto bago pumasok sa loob, hila-hila ang mga plastic bag na bitbit niya. Tila naghihintay pa ang lalaki na sabihan niya ito na pumasok kaya naman hinarap na niya talaga ito. "Ano pang hinihintay mo? Pasok." "Are you... serious?" tila nabiglaanan na tanong nito. Ngumisi siya. "Bakit, ayaw mo? Madali akong kausap." Ang mga labi ni Vladymir at ang tunog ng papasarang pinto ang sumagot sa kanya. Hindi man lang siya hinayaang huminga sandali. It was as if he's been dying to taste her lips again. Sandali siyang lumayo at nakipagtitigan sa asul na mga mata nito. "Before anything else, Mr. Krasny. Let me clear one thing for you. Hindi pa rin ako sasama sa'yo at hindi ako makikipagkita sa tatay ko. And this... all of this, is just pure pleasure. You can f*ck me tonight how many times you want, but after this night, you should disappear out of my sight and out of my life, you get me?" Hinapit nito ang kanyang beywang papalapit sa katawan nito. "Isang gabi lang? Can I ask for an extension, Lana?" "Go ahead, ask for an extension and I'll kick you out right at this moment," pagbibigay niya ng ultimatum dito. Hindi na ito umimik. Bagkus ay hinalikan siyang muli. His callous hands started to remove her clothes, started to glorify her skin. Tila pinaghandaan nito ang pagkakataong iyon dahil medyo may kasanayan na ang mga hawak at halik nito. And Lana knew to herself that she'll enjoy that night. Bukas, panigurado, wala nang Vladymir Krasny na aali-aligid sa kanya. Her life would be back on its dull and monotonous routine. Or so do she hopes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD