Teaser

210 Words
Napasinghap siya nang idiin siya ni Vlad sa pader. Madilim ang eskinita na kanilang kinaroroonan at walang katao-tao sa kalsada. Kahit na sumigaw siya, alam niyang walang makakarinig— Ang pagririgodon ng kanyang dibdib ay mas lalong nadagdagan nang sinibasib ni Vladymir Krasny ang kanyang mga labi. Marahas. Tila nananabik na may halong galit. Parang sorbetes na unti-unting nalusaw ang pagkapalaban ni Lana. Ilang sandali pa, sumasayaw na siya sa saliw ng mapusok at mapanganib na galaw ng mga labi at dila nito. Hinawakan ni Vlad ang kanyang magkabilang panga. Halos mawalan na siya ng hininga. Ang asul na mga mata nito ay nakikipagtagisan ng titig sa kanya. Bagaman natatakpan ang kalahati ng mukha nito ng maskarang pinaghalong puti at ginto, ay ramdam niya pa rin ang pagtagos ng mainit na titig nito sa kanyang katawan. Ngumisi ito pagkatapos ay naglandas ang mga daliri nito patungo sa butones ng kanyang suot na blusa. "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo gusto ang bawat hawak at halik ko, Lana. Go on, deny it, temptress. Deny it and I'll make you moan out my name, right here, right now!" may halong gigil na bulong nito sa kanya habang naglilikot ang mga kamay nito sa loob ng kanyang suot na damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD