Hindi nagtagal ay hinayaan na si Lana ni Doc Warren na pumasok sa loob ng ICU para malapitan si Vladymir. Bagaman hindi pa rin ito nagigising ay kahit papaano ay bahagya na itong nakaligtas sa bingit ng kamatayan. Ang kailangan na lang mangyari ay magising ito mula sa pagkaka-comatose. Ngunit iginiit ng doktor na may posibilidad pa rin na hindi na magigising ang lalaki dahil na rin sa pinsala na natamo nito. Lana sat beside his hospital bed, softly smiling to herself. Vlad looks peaceful. Unlike from the previous months. Mukha itong kalmado at payapa. Tila malayo sa kaguluhang kinamulatan na nito. Marahan niyang pinadaan ang kanyang daliri sa kamay nito. She chuckled when she noticed that Doc Warren put back Vlad's silver ring that was identical to hers. Inalis kasi iyon noong ipina-CT

