Warning: Ang kabanatang ito ay maglalaman ng mga maseselang eksena. Huwag gayahin sa ano mang paraan. Viewer discretion is advised. Umiikot ang paningin ni Lana nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Ang huli niyang natatandaan ay may lalaki na nagtakip ng panyo sa kanyang ilong bago siya tuluyang nawalan ng malay. Kaagad siyang nag-panic nang maramdaman na nakatali ang kanyang mga paa at kamay sa apat na poste ng kama na katulad ng pagmamay-ari niya sa kanyang apartment. Inilinga niya ang kanyang mga mata. Tiyak niya na wala siya sa kanyang silid ngunit bakit tila kapareho ng laman ng silid na ito ang laman ng kanya? Tila ibinuo iyon para talaga paniwalain siya na... "Are you awake, my future wife?" Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Katulad ni Vladymir ay natatakpan ang mukh

