"The cause of his death is seizure, Maam. We are sorry for this incident," hinging paumanhin ng manager ng condominium na kinaroroonan ng penthouse niya. "Of all place he can have his seizure, sa pintuan pa po ninyo. The management and I are sorry, Maam," dagdag pa nito. Ngumiti na lang si Irma sa dito but the truth was, hindi niya maipaliwanag ang nangyari kay Amning Janitor. Pakanta-kanta pa ito habang naglilinis ng sahig ngunit sa isang iglap lang ay wala na itong buhay. May kinalaman kaya iyong mga katok sa kanyang pintuan? To figure it out, kinausap niya ang manager upang masilip ang cctv camera na naka install sa labas ng kanyang penthouse. Pumayag ang manager at hero na nga siya, nakatayo sa likuran ng security guard habang nirere-wind ang nangyari kagabi sa mismong oras ng unan

