"Hintayin na lang kita sa sasakyan, girl," sabi ni Kai. "Sige. Sasaglit lang ako sa CR," sabi ni Isobelle bago ito lumiko sa pasilyo. "Saang comfort room ka ba pupunta?" "Sa pinakamalapit. Sige, hintayin mo na lamang ako," paalam nito sa kaibigan at patakbong lumayo sa kanya. May comfort room sa second floor ng theology room nila. Madalang lang ang pumunta roon dahil an rin sa malayo ito at out of the way kung lilipat ng ibang room lalo na kapag oras ng palitan ng subjects. Bukod pa roon ay papadilim na rin at madilim sa bahaging iyon ng building. Ayon sa mga sabi-sabi madalas daw itong gawing dating site ng mga magkasintahan at minsan pa daw dito nila ginagawa ang 'deed' nila kung kaya naman ay madalas itong lock at ang janitress na nakatoka sa floor na iyon ang may hawak ng susi.

