Tumayo na siya at niyakap ako. Ngumiti naman ako sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. Ilang minuto din na niyakap namin ang isa’t isa. Miss na miss ko siya. Tuwang tuwa naman sila titamhie at titodhie na yumakap samin ni Damon. Dumiretso na kami sa dinning area nila para makakain. Ang dami ng pagkain sa lamesa. Nakakatuwang isipin na itong mga taong nasa harap ko ngayon ay magiging pamilya ko na din soon. Pag tapos namin kumain ay nagkwentuhan lang kami saglit. Ng bigla bumulong si Damon “bi, taas muna tayo sa kwarto ko at may ibibigay pa ko sayo tsaka para masolo naman kita”. Natawa ako sa sinabi niya sabay tingin sa orasan ng mapansin na maaga pa ay tumango lang ako at nag excuse sa mga magulang niya. Pag bukas ng pinto sa kwarto niya ay napansin ko na may mga box sa higaan niya.

