Nagdadalawang isip ako kung uuwi ba ko or hindi, ng maisipan kong itext si Katrina para naman may makausap ako. “Kat, gising ka pa ba?” tanong ko ngunit di siya nagreply bagkus ay tumawag. Calling Katrina 0917******** ►Hello Farrah, bakit?► sabi niya “Kailangan ko lang kasi ng makakausap ehh. Busy ka ba? Ayoko pa kasing umuwi sa bahay dahil maga pa yung mata ko. kakatapos ko lang kasing umiyak .” ►Hindi naman. Wait bakit ka ba umiiyak? Nagkita ba kayo?► tanong niya “Oo nagkita kami. Sobrang sakit. Sobra akong nasasaktan na parang ayaw ko na.” ►Panong ayaw mo na? Ayaw mo na sa kanya?► tanong niya “Gusto ko na tapusin ang lahat. Tapusin lahat lahat. Baka sakaling pag tinapos ko na magkaroon siya ng pakealam sakin.” ►Umayos ka nga. Nababaliw ka na naman. Wait asan ka ba?.► “Andito ak

