Pag tapos niya sabihin lahat ay nagmadali na kong umalis. Ayoko ng marinig pa kung ano pa yung mga sasabihin niya. Dahil mas lalo lang ako masasaktan sa mga kasinungalingang sinasabi niya sakin. Hindi ko matanggap na lalo niya kong pinagmumukhang tanga sa mga ginagawa niya. Oo mahal ko siya, pero di naman ako ganun katanga para maniwala ng maniwala sa mga sinasabi niya. Mahirap para sakin dahil sa pangatlong pagkakataon ay ibinigay ko na naman ang tiwala ko sa kanya ng buong buo pero winasak lang niya ulit ako. “Bakit kung sino pa yung taong mahal na mahal ko ay siya pang nagwawasak sakin ng paulit ulit.?”bigla kong tanong sa sarili ko. Unti unting pumatak ang luha sa mata ko. Minsan feeling ko nga baliw na ko kasi masaya ako tapos mamaya maya ay biglang iiyak. Oo sinasabi ko sa kanila

