Chapter 3

2658 Words
‘SAME scent, same style of shirt, same watch, same style of eyeglasses. Some things really don’t change easily.’ Wika ni Alj sa sarili. Nasa passenger seat siya ng kanyang sariling sasakyan na minamaneho ni Jobz. Hindi niya napigilan mapansin lahat ng napansin niya sa lalaki dahil sa katahimikang naghahari sa pagitan nila. Papunta sila sa lugar na hindi niya alam. Huwag naman sana siyang dalhin nito sa Bataan. Pero byaheng Norte na ang tinatahak nila. Dito na niya binasag ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan. “We’re not Bataan bound, are we? Marami pa akong gagawin.” Totoo ‘yon. Marami pa siyang isusulat na articles at may tinatrabaho rin siyang manuscript ngayon na nakalatag sa wikang Ingles. Medyo madugo iyon lalo pa’t Tagalog naman talaga ang Mother Language niya. Hindi siya batikan sa wikang banyaga ngunit kailangan niyang ipagpatuloy ang nasimulang nobela dahil para ito sa isang publishing company sa New York. Pangarap niyang mapuntahan ang bansang iyon. At mas pangarap niyang sa larangan ng pagsusulat ang makuha niyang trabaho kung mabibigyan siya ng pagkakataon na manirahan doon. Ngunit wala naman kasiguraduhan iyon at malaki pa rin ang takot niya. It will always remain as a crazy and wild dream for her. Kumibot ang gilid ng labi ni Jobz. “Sa Bataan? Gusto mo ba?” Tila nang-aasar ito. “No!” Mariin niyang pagtanggi. “Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Marami pa akong gagawin.” “Like what?” “Magsusulat.” “You’re still into writing?” “Yes. Dahil kailangan ko ng pera.” Partly true. Dahil sa totoo lang ay nasa pagsusulat talaga ang kaligayahan niya. Sa tuwing makakatapos siya ng isang chapter ng nobelang binubuo niya ay masayang-masaya na siya. Lalo na ang makatapos ng isang buong nobela. She even has her little celebrations kapag nangyayari iyon. Ang madalas niyang kasama ay si Vanni. Ito rin ang first critic s***h number one fan niya. Ipinapabasa niya rito ang mga natatapos niyang nobela bago niya ipadala sa mga publishing company para maaprubahan. “We’re here.” Isang mataas na condominium ang tinutumbok nila. “Ano’ng meron diyan? Can’t we just talk here?” Sinubukan niyang magtaray pero tila garalgal ang lumabas na tono sa bibig niya. Ang ewan lang ng pakiramdam niya. Para siyang kinakabahan na natatakot pero hindi naman. She still felt at ease kapag si Jobz ang kasama niya. There’s still something feel of comfort and safety around him. Just like the old days. “Relax. We’re just going there.” Itinuro ni Jobz ang tuktok ng building. “Masarap ang pizza doon.” Kinindatan pa siya ng loko na inismiran lamang niya. “Sinisira mo ang schedule ko.” “Just like the old times.” Maluwag na ngiti ang pinakawalan ni Jobz. Naiiling na lang siya. Bakit ba siya napapayag ng mokong na ‘to? Mula sa backseat ay binitbit ni Alj ang laptop niya. Since rooftop resto pala ang pupuntahan nila ay baka makakuha siya ng inspirasyon sa pagsusulat. “Buhay pa pala iyan?” Puna ni Jobz sa laptop niya. Isinawalang bahala niya iyon. “I just know how to properly take care of my things. I don’t let go of worthy things easily.” Pagkamangha ang naramdaman niya nang marating nila ang rooftop kung nasaan ang restaurant na sinasabi ni Jobz. Palubog na ang araw sa kalangitan na nasasaksihan nila nang mga sandaling iyon. It was breath-taking! It was an orange sky! “Woah. Ang ganda.” Hindi na niya napigilan ang mapangiti. Mukhang marami nga siyang makukuhang inspirasyon dito. She can’t wait to sit down and open her laptop. Pero kumukulo na ang tiyan niya dahil sa naaamoy niyang bagong lutong pizza. “Maganda rin yung ngiti mo. Nakaka-miss pagmasdan ‘yan.” Muli siyang napasimangot at tinalikuran na si Jobz para maghanap ng bakanteng upuan. “Let’s order. Gutom na ako.” Habang naghihintay sa inorder na pagkain ay binuksan na ni Alj ang laptop niya. Nagtungo siya sa file kung saan nakasulat ang lyrics ng kanta. “What’s wrong in this song?” kunot-noong tanong niya sa kaharap na mataman lang din na nakatingin sa ginagawa niya. Kung siya ulit ang tatanungin ay ayaw na niyang baguhin kahit na anong bahagi ng kanta. “Nothing. It’s perfect actually.” Tipid siyang nginitian ni Jobz. “Just like its lyricist.” Muli siyang napatingin nang masama sa lalaking kaharap. “Bakit pa tayo nandito kung wala naman dapat baguhin? And correction with what you have just said, I’m not perfect. I’m not that much pretty, we’re not rich, I don’t wear fancy clothes, I have a lot of flaws. Kaya nga ako iniiwan nang walang dahilan at ipinagpapalit sa iba.” Shet, nagparinig na naman siya. Hindi niya nakontrol ang sariling bibig. Iniwas niya ang tingin at itinuon ang pansin sa skyline na natatanaw nila. Nagsisimula nang magbukas ang mga ilaw sa kalye, sa mga gusali at sa mga tahanan dahil dumidilim na ang paligid. It was still a pretty view. Manila skyline by night. Masyadong maganda ang gabing iyon para sirain ng isang pangit na nakaraan nila. “Ang ganda dito. Nakaka-inspire magsulat.” Aniya at sinusubukang ibahin ang usapan.  “Again, I’m sorry. I really didn’t mean to hurt you, Alj.” ‘You meant it, idiot!’ Muli siyang tumingin kay Jobz at seryoso ang mga mata nito. Ibinaba pa nito ang suot na salamin at hindi siya maaaring magkamali sa kanyang nakita. Sumungaw ang maliit na butil ng luha sa gilid ng mata nito. Mabilis naman iyon pinunasan ng lalaki. ‘Sorry?’ She heard that word a lot of times already. Ayaw na nga niyang marinig ang salitang iyon. Iba ang gusto niyang marinig. Iba ang gusto niyang malaman. At iyon ay walang iba kung hindi ang dahilan ni Jobz kung bakit siya nagawa nitong saktan noon. Umasa siyang iba ito sa ex niya na sinaktan siya at ipinagpalit sa iba, nagtiwala siyang muli nang buong-buo, naniwala sa lahat ng matatamis na salitang binitiwan nito noon, nanalig sa mga pangakong binitawan nito at naniwala na may forever sa kanilang dalawa. Pero ang masaklap na katotohanan ay wala pala, wala silang forever! Hindi naman naging sila pero masyadong malalim ang iniwang sugat sa puso niya nang dahil sa ginawa nito. Limang taon na ang lumipas pero sa tuwing naaalala niya ang lalaki ay marami pa ring tanong at pait ang naiiwan  sa kaniya. Tumayo si Alj. “Wait lang, bathroom lang ako. Paki-follow up na rin ng order natin,” Hindi na niya kaya. Kailangan niya ng hangin para kumalma. Sa totoo lang ay ayaw na niyang manumbat pa.  Mas gusto na lang niya na kalimutan na ang lahat at umakto na parang walang nangyari noon sa harapan nito ngayon. Pero…mahirap pala. Ilang beses na niyang naisip kung paano isang araw ay muli silang magkita. Pinaghandaan niya iyon. Pero iba pa rin pala talaga kapag nasa mismong sitwasyon na. Imbes na sa banyo ay sa lumabas siya ng resto upang magpahangin saglit sa kabilang bahagi ng rooftop. Ano ba ang dapat niyang gawin? Paano siya maayos na aakto sa harapan nito? Pinaalala na lamang niya sa sarili niya kung bakit sila magkasama ngayon. Para iyon sa competition. Kailangan niya ‘yon. Pagkatapos ng competition ay muling magkakalayo ang landas  nila at hindi na niya hahayaang muli silang magtagpo. Iyon na lamang ang iisipin niya. Muli na siyang bumalik sa lamesa nila at nakahain na ang kaluluto lamang na pizza. Nakatupi na rin ang laptop niya sa isang gilid. Nakangiti nang muli si Jobz, “Let’s eat first.” Iyon nga ang ginawa nila. May sibuyas pala ang pizza na na-order nila kaya naman isa-isa pa niyang tinanggal ang mga iyon. “You want? Sayang kasi.” Alok niya sa kasalo. Malugod namang tinanggap iyon ni Jobz. “Sure.” Tinulungan na rin siya nitong tanggalin ang lahat ng sibuyas na nasa buong pizza. Inabutan rin siya ng lalaki ng hot sauce. “Thanks.” “Miss Grace sent us an e-mail. Nandoon yung key points ng mga gusto nilang ipabago. We can also use their studio for musical corrections.” Ani Jobz. Tumango lang siya bilang tugon. “Next weekend, let’s go there.” Tumango lang ulit siya. “Kumusta ka na? And I won’t accept ‘K lang’ as an answer.” “Ayos naman.” Napailing si Jobz at marahang natawa. “Still as witty as ever.” Naging seryoso na siya. “Jobz.” “Uhmm.” “Please stop bringing back the past. In that way, we can work in peace.” “Sorry, Alj.” “And please stop saying Sorry. Rinding-rindi na ako. I don’t want to hear that anymore.” ‘Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa’yo.’ “Okay.” “Thank you.” “But are you really okay?” ‘Gago ka ba? Sa tingin mo ba sa lahat ng ginawa mo ay magiging okay lang talaga ako?’ Ito sana ang gusto niyang sabihin. Pero huwag na lang.  “Yes I am.” “Ikaw, Jobz. Kumusta ka? Doon ka pa rin ba nag-ta-trabaho?” She’s curious as hell, bakit ba? Ang tagal na niyang walang balita dito. She restrained herself from stalking this guy’s social media accounts. Nagpaka-busy siya sa maraming bagay. “Nag-resign na ako on that firm. Sa iba na ako.” “Wala ka pa ring sense of loyalty. Joke!” Muli na namang lumabas ang biloy ni Jobz sa pisngi. “Grabe ka. I just felt that there’s something wrong on the firm kaya ako umalis. Huwag mo naman akong i-judge.” “Ah, kaya.” Judgemental pa rin ang tonong ginagamit niya. But it was just a joke…which is half-meant true. “Saan ka na ngayon?” Ang huling trabahong alam niya ay executive assistant ito ng isang attorney. “Communications Manager sa Subic Airport. Ky and I are also planning to open a bar in Mariveles. Medyo kulang pa yung kapital.” May kaya ang angkan ni Jobz sa Bataan. His parents and siblings are engaged into different businesses. Maybe it is just his pride na huwag umasa sa yaman ng pamilya niya and just grow his own wealth. “Wow, ang layo. But good for you kasi tumaas na yung position mo. Kailangan mo rin pala ng pera kaya ka pumayag isali sa competition yung kanta natin.” “Judger ka na ba talaga ngayon?” “Hindi naman,” Depensa niya sa sarili, “I just based it on facts. Prangkahan lang. Kasi ako, totoo ako nung sinabi ko sa’yo na kailangan ko talaga.” “Aside sa money, maganda kasi yung content ng kanta. So why not share it to everyone? And…gusto talaga kitang makausap. At least this competition gave me that chance.” “Sabi mo noon, this song is only for treasure.” “Sabi mo nga people change, and so our perspectives in life.” “Bakit mo ako gustong kausapin? Wala naman na tayong dapat pag-usapan pa. Everything between us is already closed.” Close na nga ba talaga? “Then let’s open it and start anew.” “We will always have choices in life and I choose to say no.” Yes, it’s a No. When the whole competition thing is over, she would want to go back to normal. And when she says normal, wala si Jobz doon. Pero ‘No’ nga ba talaga? Napaisip siya. Kung bubuksan ang puso niya, sa totoo lang ay gusto pa rin niyang maging kaibigan si Jobz. He was a great mentor and motivator before. Noong mga panahong wasak na wasak siya, Jobz was there to push her to be better and get better. To help her get up and move forward. Jobz showed her what great love is. And that is to love herself more before anyone else. She will always be grateful for that. Pakiramdam nga niya, sa naging pinagsamahan nila noon ay siya ang mas nag-benefit. Their happy memories together would be full of Jobz inspiring and motivating her to be the best that she can be. Ito rin ang nag-push sa kanya na ipursige niyang muli ang pagsusulat na matagal din niyang isinantabi. Nakilala niya si Jobz two months after she broke up with her ex-boyfriend. Si Jethro. Jethro has been her boyfriend for five years but Jethro felt out of love and chose another woman. Classmate niya si Jethro nung college. Inaamin niya sa kanyang sarili na pinaikot niya ang mundo niya noon kay Jethro mula nang maging sila. First love eh. Tanga-tangahan. Martir-martiran. She loved him fully na wala na siyang itinira sa sarili niya kaya naman sobrang sakit ng puso niya nang makipaghiwalay ito sa kanya. She even caught herself crying below her working table when the wounds were still fresh. Ilang beses niyang kinuwestiyon kung ano ang mali sa kanya. Kung saan siya nagkulang. Kung ano ba ang mga maling nagawa niya para iwan siya ni Jethro at piliin ang ibang babae. She thought na papunta na sila sa marrying stage pero may ibang plano pala si Jethro. She was already visualizing a married life with Jethro pero hindi pala sila pareho nang mga pinaplano sa buhay. In fairness to Jeth, naging honest naman ito sa kanya. They talked a lot. Kung ano ba ang mali sa pagsasama nila, kung may mga dapat ba siyang gawin o hindi dapat para lang hindi sila maghiwalay. She tried to fix everything between them but Jeth did not choose to cooperate. Sa iba na daw ito masaya. At dahil mahal na mahal niya si Jeth, kahit sobrang hirap at sobrang sakit, she let him be happy. Pinalaya niya si Jeth. She cried a lot, she cursed, she blamed herself, she blamed him. She has gone through the five stages of grief; the denial, anger, bargaining, depression and finally acceptance.   She then used her brain. She bought books, researched online, watched videos and talked to friends on how she will move on. She tried all the possible things that she could do to finally move on. She sulked but she got up. Unti-unti nakabangon siya. Until one day which is exactly two months after the break up, Joanna gave her a number. I-text daw niya. And so, she did bilang single naman siya. Her conversation with Jobz started with, “Hi!” “Hello.” Jobz then replied. “I-text daw kita.” “I know. Joanna told me. I’m Jobz.” “I’m Alj.” Their friendship started there. Araw-araw na silang magkausap and it felt great for her dahil unti-unti na niyang nakakalimutan ang sakit. It’s not a rebound as others may say dahil magkaibigan lang sila and they both knew that they are still on the moving on stage. Kaka-break lang din ni Jobz mula sa ex-girlfriend nito eight months ago mula nang magkakilala sila. They both helped each other to move forward. Even though they were happy together, they mutually decided to remain as good friends. Maybe in the future, if the world permits, baka pwede sila. Natigil ang malalim na pag-iisip ni Alj nang mag-ring ang telepono niya. May pag-aalinlangan man kung sasagutin niya ba o hindi ang tawag ay mas nanaig ang konsensya niya. Tumayo siya at nagpaalam kay Jobz. “Sorry, but I need to answer this. It’s Jethro.” Aniya at sinagot na ang tawag sa kanyang telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD