Chap. 7 "Timpi"

1339 Words
Tumayo siya pagkatapos ay nagsalita. "I'll go to my dad's office and I will come back later," sabi ni Aiko. Sabay hablot ng susi na tila takong lang ang naririnig sa buong kwarto sa bawat hakbang niya papalabas sa pinto. Pagkalabas na pagkalabas niya ay nakahinga nanaman kaming lahat na tila naalisan ng tinik ang dibdib at umingay. Agad akong pumunta sa kabilang kuwarto na kina Cecil. Dahil wala rin ako kasama roon sa lugar sa loob. "Mag-f******k muna ako mga sisters," ngiti ni Penelope. "Eric, ano pinagawa niya sa 'yo?" tanong ni Mia. "Iyon nga problema ko kasi papahanapin ako ng contacts natin ng mga kompanyang nagdi-distribute ng perfume sa buong Europe. Ni wala nga akong load pantawag para mag-contact," reklamo ko. "Search mo siya sa google. Tiyaga lang 'yan. Isa tayong Export Import Perfume Company Distributer kaya kailangan talaga 'yan. Search ka lang ng search. Nakapagtapos ka naman di ba? Noong sina Penelope nga ay isang takas na D.H. pero dahil mabait pa noon si Aiko ay tinanggap siya bilang employee nito. Isipin mo si Mia naman ay isang T.N.T. Lahat sila ay nagsimula sa baba na kahit paghawak ng computer ay di sila marunong," iritang sabi ni Cecil dahil sa reklamo ako nang reklamo. "Wala kasi akong load sa simcard. Saka bukas na raw niya kukunin ang resulta ng mga na-research ko," reklamo at pangungulit ko sa kanya. "May cellphone tayo exclusive for Purchasing Department at libre ka tumawag kahit saang bansa. Unlimited call ang load. Kahit text pa kaya roon mo sila i-contact kung di sila mag-reply sa E-mail. Teka, ilan ba kailangan niyang ipahanap sa 'yo?" tanong ni Cecil. "Twenty daw! Ang dami nga e kaya gusto ko na tumakas dito! Nababakla na rin ako kasi puro babae kausap ko! Haha!" sabi ko ng pabiro sabay napahawak na lang ako sa lamesa ni Cecil. "Lintik na! Twenty? Ang dami nga!" gulat na sabi ni Mia ng natatawa. "Ganyan talaga ang bruha na 'yan. Feeling kasi niya mga robot tayo. Kung ano gusto niyang ipagawa. Dapat matapos na agad. Putapepe niya," mura ni Penelope. "Iyong I.T natin ay lalake na isang pinoy, siya si Rody. Boyfriend ni Mia. Kapag may troubleshoot sa printer at computers natin ay pumupunta siya agad rito. Kaya 'di ka mababakla at may ka-bromance ka pa Eric," asar ni Lily. "Tamang-tama! Sira yung printer natin at paubos na ang ink. Paki-dial nga extension nina Rody mare," utos ni Cecil at agad itong ginawa ni Lily. May kanya-kanya kasi kaming telepono kaya mas mabilis ang trabaho. Ilang minuto lang ay dumating din si Rody. Nang makita ako ay nagpakilala siya. "Rody pala tol, ako ang I.T dito kaya kapag may problema kayo sa computers niyo ay ako ang tatawagan niyo. Zero-Nine-Nine ang extension number ko pati ng IT Department. Ako ang head nila. Napapanuod ko rin ang lahat ng ginagawa niyo sa desktop niyo kasi Admin din ako roon," wika ni Rody na ikinagulat ko. Agad niyang hinalikan si Mia na kinainggit nila pero kinainis ko dahil sa naalala ko si Rosa na tila di ko pa rin nakakalimutan mga nangyari sa amin. "Ilang taon na relasyon niyo bro?". Tanong ko. "3 years na kami at balak namin magpakasal next year. Tumatanda na kasi tayo. Ilang taon ka din pala bro?". Tanong ni Rody. "27 na ako. Same lang pala tayo ng girlfriend kong pinay. 3 years din kami kaso tinanggihan niya alok ko na magpropose sa kanya". "Hahaha! Pare, parang kilala kita. napanood ko yung video ng Proposal mo. Kaya pala pamilyar mukha mo. Kaw ata yung trending video sa Filipino Tokyo community na napahiya at tinakbohan sa Proposal niya sa GF niya. Pangalan nung babae Rosa kung di ako nagkakamali? Ang sakit nun bro! pero atleast ang dami galit don sa gf mo. Na Cyberbully ng di oras". Mas naginit ang ulo ko kaya umiwas na lang... "Maiba muna tayo bro. Ba't karamihan sa atin dito na mga Employee ay pinoy?". Pagiibang tanong ko. "Eh kasi, yan ang request ni bruha". Ani ni Lily. "Sinong bruha? Si Madame Aiko?" gulat kong tinanong. "Alam mo kasi. Sa totoo lang. Sekreto lang 'to ha. Iyang si Aiko. Half-Pinoy 'yan. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Siya lang din 'yong may nanay na pinay tapos di nagtagal ay nag-divorce na ang magulang niya. Nagloko kasi 'yong nanay niyang pinay kaya pina-deport ng Yakuza niyang ama sa Pilipinas simula ng sanggol pa siya. Kaya ayan! Wala siyang ginawa kung di mag-hire ng pinoy pero di naman kasi namin masikmura ang ugali niya. Napaka-bipolar eh! Minsan mabait pero kapag sinumpong naman ay parang ang sarap sabunutan. Kaya hindi kami interesado na makipagkaibigan sa kanya," pakuwentong tawa ni Cecil. Ang dami-dami ko na ring nalalaman dahil kay Cecil. Parang kilalang-kilala na talaga niya si Aiko kasi ang tagal na rin niya sa kompanya nanilbihan. Hanggang sa nagsiuwian na kami. Pagkarating ko sa bahay ay pahinga kaunti at agad na pumunta sa gym. Pagbalik sa bahay ay nagpuyat pa rin ako para lang hanapin 'yang lintik na mga Company Perfumes sa Europe. Wala na akong naitulog. Para lang din sa hindi ako mapagalitan ng boss ko na si Aiko. Ayoko ng ina-under ng isang babae. Kinaumagahan ng nasa opisina na ako ay ganoon pa rin ang tsismisan ng mga kasama ko. Mga babae nga naman. Excited na rin ako na ipakita kay Aiko ang pinagpuyatan at pinaghirapan ko na ipinagawa niya. Gusto ko man lang kasi makita ngumiti o matuwa siya sa akin. Siya lang talaga ang babae na hindi na guwapuhan at walang pakialam sa itsura ko. Ako 'tong humahanga sa kagandahan niya. Kaya hirap din tanggapin na ako 'tong submissive. Anak mayaman eh samantalang ako ay puro sakit ng ulo ang nagagawa kong kapalpakan. Gusto ko man lang na magka-good records na ako sa boss kong maganda. "Wow sipag naman,"asar ni Cecil pagkatapos ako lapitan sa desk ko habang inaayos ko yung Excel Sheets ng mga na-search ko na kompanya. "Siympre ikaw ang pangalawang boss ko kaya sinunod ko ang sabi mo na tiyaga lang," sabi ko habang nakangiti sa kanya. Hanggang sa dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa kamay niya pero agad naman niyang iniwas na medyo ikinabigla ko. Parang di pa rin siya maka-move on sa pagpkapahiya ko sa kanya noong first meeting namin. Makalipas ang ilang oras ng paghihintay ay hindi pa rin dumadating si Madame Aiko. Hanggang sa malapit nang mag-uwian at nag-init na lang ang ulo ko. Kung alam ko lang kasi na di siya papasok ay di ko na sana pinagpuyatan ang lintik na research na pinapagawa niya. Biglang may tumawag sa telepono kaya sinabihan kami ni Cecil na tumahimik muna dahil si Boss Aiko ito. Agad din kaming sumunod sa kanya. "Hello madame, yes?" respetadong sagot ni Cecil. "Uumm.. Cecil sweetheart. I think I can't come right now. I am in a wedding ceremony of my sister. She just got married," sabi ni Aiko at ibinaba agad-agad. Ang bastos talaga. "Baliw! Nagpaalam pa ang tarantada e uwian na nga! Alangang papasok siya ng uwian! Boba," mura ulit ni Penelope. "Pala absent kasi amputa! Buti pa nga kung nababawasan ang suweldo niya dahil sa kaka-absent niya pero hindi eh! Kasi anak siya ng may-ari ng kompanya! So unfair!" sigaw ni Mia na naiinis. "Guess who's affected ngayon! Siyempre, it's Fafa Eric dahil pinagpuyatan pa niya ang trabaho niya pero di pala papasok ang bruha," asar ni Lily na pinipigilan ang tawa. Pero di rin sila nakapagpigil at sabay na nagtawanan ang lahat. "Dont worry Eric. Libre ka na lang namin para di nasayang effort mo sa pagre-research," asar ni Cecil habang pikon na pikon na ako kay Aiko nang patago pero di ko lang pinapahalata. "Okay, salamat!" sagot ko kay Cecil ng buntong-hininga. Ang bait talaga ni Cecil sa akin. Napalitan din ng saya ang inis kong tinatago nang lumabas na kami. Parang impyerno kasi lugar ng opisina dahil sa nakakapikon na ugali nang maganda kong boss. Naramdaman ko rin na kahit ako lang mag-isa ang lalaki sa kanila ay nae-enjoy ko naman talaga ang atmosphere kasama sila. Parang trip ko rin ligawan si Cecil pero parang siya na ang umiiwas ngayon. Pero napakabait pa rin niya sa akin. Siya lang kasi ang babaeng lagi na lang concern sa akin sa lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD