35b Nagmamadaling naglalakad palabas ng hotel si Margaux, dahil pupunta pa siya ng opisina. At lalong hindi puwedeng makita siya ni Miguel, sa ngayon. Hindi pa ito ang tamang oras sa muli nilang paghaharap. Ngunit napatigil siya sandali ng marinig ang pamilyar na boses na tumatawag sa kanyang pangalan. Tinig ng isang tao na dating mahalaga sa kanya ngunit matagal na niyang ibanaon sa limot kung ano man ang kanyang nararamdaman noon. Dahil para sa kanya kapag narinig lamang niya ang pangalan 'yun ay tila bumabalik sa kanyang alaala ang dating Marga. Na ignorante, inosenti, sinaktan at niloko. "Marga, baby!" malakas na sigaw ng taong tumatawag sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit hindi man siya lumingon, kilala na niya kung sino ang tumawag sa ka

