Chapter43 Hindi namalayan ni Margaux ang pagpasok ng kanyang sekretarya sa loob ng kanyang opisina kanina pa ito tumatawag sa kanya. Ngunit tila wala man ang itong narinig. Tinawagan niya ito kanina gamit ang intercom upang hingin ang kanyang schedules ngayong araw. Tinatanong rin niya kung pumasok na ba si Miguel. "Ma'am, remind lang po kita, for your meetings sa organizer ng events sa Manila fashion week," untag sa kanya ng kanyang secretary. Lutang pa magpa hanggang ngayon ang utak ni Margaux, tapos madaling araw, na siya nakatulog. Hindi nawawala ang anyo ni Miguel na nang pumunta ito sa kanilang mansyon. May bahagi ng kanyang puso na baka may kung ano'ng nangyari na sa binata sapagkat ito ay lasing. Nais niyang tutulan ang sinabi ni Ricardo na maalapit na silang magpakasal dalawa.

