Chapter 53 "How's your day, hija?" bungad na tanong ni Donya Divina. Dumiritso na siya ng uwi pagkatapos ng office hours. "Nakakapagod po pala ang maging isang CEO, mom. Pero kakayanin ko po, Ayaw kong maging disappointed po kayo sa akin," tugon niya. "Thank you, hija. Sige, anak, iiwan muna kita. I'll prepare dinner for us," nakangiting paalam ng kanyang ina. Napasalampak ito ng upo sa kanilang sala set at napahilot sa kanyang sentido dahil sumasakit ang kanyang ulo. Hindi lang sa mga paper woks siya na e-stress, kundi pati na rin kay Miguel. Hindi niya maiintindihan kung bakit pinagpilitan pa nito ang sarili nito sa kanya gayong may Stella, na naman ito. Bakit kailangan pa siya nitong pahirapan. Hindi na sila muling nagkita pa ni Miguel simula noong may nangyari sa kanila sa loob

