Alas-nuebe daw ng umaga ang usapan na magkita-kita ang W.W.G at ang manegang feelingera sa tapat ng Cityhall ng Maynila.
Medyo matao at maingay ang lugar dahil nasaharapan nito ang pampublikong daanan ng mga sasakyan. Sa likod naman ay Lrt at katapat non ang SM Manila.
Panay paypay niya gamit ng panyo dahil init na init siya kakahintay sa wirdong grupo.
Nakasuot siya ng Elizabetta Franki white plain fitted blouse, faded Jeans at torshon shoes addidas. Nag chanel belt bag at doon nakalagay ang credit cards, konting cash, key car, mini perfume, compact powder at liptint. Ang usapan kasi ay mag suot ng daw ng white na pang itaas, jeans at close shoes. Yung normal na damit ng mahihirap at iyon lang naman ang alam niya.
"Pist*! Nagmumukha akong OJT sa suot ko!" reklamo niya.
Tumigin siya sa relong pambisig at lagpas alas-nuebe na. Ang oras na ibinigay ni Annj sa kanya ay 8:45am. May pahabol pang mensahe na on the way na at malapit na daw ang mga ito around 7:30, kaya nangarag ang manega ninyo.
Siyempre mahalaga ang oras para sa kanya kaya. .nilipad niya talaga ang byahe. Akala niya siya ang mahuhuli dahil 8:30 siya nakarating, ngunit siya pa ang nauna sa mga ito.
"Sobrang late na nila, k*ng ina!"
Nakakairita! Ito pa naman ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ang pinatatagal ang oras.
"Aru..manega! Nasaan na ba ang mga 'yon?!"
Sa kalagitnaan ng pagkairita ay kinuha niya sa bulsahan ng jeans ang phone niya. Tatawagan na niya si Annj dahil nang gigigil na siya sa inis.
Buti nalang sinagot nito ang tawag niya dahil kapag hindi, e.. ipapa-kidnap niya talaga ang wirdong grupo na iyon.
"Annj, where na ba kayo?" inis niyang tanong.
"We're here na, Ate.."
"Saan?"
"Near behind you."
Huminga muna siya ng malalim bago siya tumalikod. Finally dumating din ang mga ito.
"Ate, Goodmorning!" bati ni Annj.
"Goodmorning! Jusko, bakit dumating pa kayo!" sagot niya rito at wala siyang pakiealam kung marinig man nito.
Kumaway siya at pinakita ang pekeng kagalakan sa pagdating ng mga wirdo. Ngunit nabitin sa ere ang kamay niya ng makita niya ang suot ng mga ito.
White blouse with full of sunflower print, fitted jeans and white flatshoes na tingen niya ay gawa sa goma.
Napangiwi tuloy siya sa kabaduyan sa ng mga ito. Ang nakakaines pa ay mukhang nag-usap usap pa ang mga ito na iyon ang pest*ng OOTD nila.
Nang makalapit na ang mga ito ay agad niya itong tinanong.
"Bakit na-late kayo?"
"Ano ka ba ate, Filipino Time tayo. Kagaya ng ginagawa ng mahihirap," sagot ni Annjelic.
"Ha?"
"Halerrr! Always late dapat!"
"Always late? Anong always late ang sinasabi mo?"
"Yung sinasabing on the way na pero paligo palang," sagot ni Annj.
"Aha! Yung sinasabing malapit na pero pasakay palang," pahabol ng isang wirdo nakilala niya sa pangalang Joy Chanie.
"At pasok yan sa 101 poor tips namin," sabi ni Eli Zha ang ngalan sa pagkakatanda niya.
Wala siyang naintindihan sa pino-point ng mga wirdong ito. Basta ang mahalaga sa kaniya ay naririto na ang mga ito ng matapos na!
"Oh God! super inet!" reklamo agad ni Angelica Pagulong ang nerdy ng grupo.
"Oo nga ang inet! Oh, sheyt girls! Look my skin kayumangi na!" tili ni Ann-jelic Heaven na itinaas ng kaunti ang mga braso.
Anong sinasabi nitong kayumanggi? E,wala namang nagbago sa kulay gatas nitong balat.
"Oh My! buti ka pa,mukha ka ng mahirap!" sabi ni Joy Chanie.
Hala siya? Bulag ba ito? At may words pang mukha ng mahirap.
"Kainggit ka naman sana ako rin," Si Chelzy Roces iyon na halata ang kainggitan sa mukha.
Seriously? Nainggit sila sa kulay nung isa na hindi namang kayumangi? Parang tang* lang.
"Tss! 'Wag ka ngang maingget d'yan! Mamaya kayumangi kana basta galingan mo lang sa pagbilad," maarteng sabat ni Miriam Silvestre. Ang pinaka kinaiinisan niya sa grupo.
Hindi niya alam kung tatawa ba siya o mabubuwisit. Kakasimula palang ng araw nila sirang sira na!
"Wait! Selfie muna tayo girls. Ready for OOTD!" aya ni Eli Zha.
My gulay manega, hindi man lang nag sorry ang mga ito sa kanya. Gusto niyang manampal ng feelingera!
"Ate Hera, come join us!" aya sa kanya ni Ann-Jellic.
"Ahm..kayo nalang."
"Tara na Ate, ipakita natin na nagsusuot din tayo ng pang poor na damit. Na mabubuting puso tayo para sa mahihirap. "
Anong konek?
"Tama! Na hindi lahat ng mayayaman ay nag papakasarap!" dugtong ni Angelica.
Puwes ayaw niyang maghirap!
"Yeah! Na ang mayayaman din ay nagpapakahirap!" si Chelzy.
Like they do? Huh! Hindi nalang uy!
Naningkit ang mata niya. "Naku.. hindi na."
"Sus.. nahihiya ka ba dahil magpapaka-mahirap ka?" tanong ni Miriam sa kaniya.
Sira ba ang babaeng ito? Obvious naman na hindi siya kagaya ng mga itong mapagpanggap.
"Hindi a, ano kasi.. No need naman ipamukha 'yon sa publiko na mabuting tao ka, na nagpapaka mahirap ka, katulad nalang ng pag susuot ng pang mahirap na damit 'di ba? I mean yung bukal sa loob dapat."
"Bukal naman sa loob 'tong ginagawa natin. Tingnan mo. Nag sacrifice tayong mag suot ng cheap na damit and its awesome!" galak ni Joy.
'Sacrifice' dito lang siya natuwa kasi talaga namang nag sacrifice siya ngayong araw na ito na mag suot ng simpleng damit. Pero yung salitang 'Bukal sa loob' Naaaahh.. No manega! Kung alam lang ng mga ito na magdamag siyang nahirapan mag isip na mukhang cheap na damit tapos sabihing awesome!
"Ang point ko lang e..baka masabihan tayong papansin. Alam mo na maraming basher sa f*cking social media."
Pinipilit niyang gumagawa ng way para makalusot. Ayaw niya talaga sumali sa group friend photos. Never as in never in her entire social life na mag selfie kahit kaynino feeling friends except her trusted families. She knows naman kasi na hindi ito totoo sa kanya. All they want is her d*mn surname.
"Sayang isa ka pa namang Wurzel."
Namilog ang mata niya. Paano nalaman ni Annj na Wurzel siya? E, Imperial ang sinabi niya.
"Paano mo nalaman?"
"Imperial surname sounds pamilyar. Nag research ako tungkol sa 'yo. Lumabas ang ImperialJewelries na hawak ng Wurzel Sun Family."
"Oh, okay."
Wow nice!
"Alam ba iyan ni Kuya? Grabi super lucky namin na magkaroon ng kaibigan mula sa misteryosong pamilya."
Puwes siya ang malas niya! Hindi rin pala naiiba ang mga ito sa mga nakasalumuha niya.
"Hindi naman ganong katunog ang apelido namin dahil ang nakakakilala lang sa amin ay taga bussiness world. And about naman sa kuya mo hindi niya alam na isa akong Wurzel.Imperial lang ang alam niya."
It's her mother's maiden name. Si Ariesto nanaman ang tinutukoy niya dahil Imperial ang sinabi niya rito. She does'nt even know na sa umpisa palang kilala na siya nito bilang Wurzel.
"Well anyway we don't care kung isa ka man Imperial-Wurzel, Ate, ang mahalaga gusto naming maging mahirap."
What the heck? Wala nanaman siyang naintindihan sa sinabi nito!
"Ayaw mo ba talaga sumama sa groupies? Ang ganda mo panaman, bagay kang maging mahirap,ate" panghihinayang ni Annjelic.
Ano daw ? Hoy! Hindi niya pinangarap maging mahirap! Ano tingin nito sa kanya si Sarah ang munting prinsesa?!
"Huwag na, Annj, 'Di ako mahilig talaga mag picture picture. Ang mabuti pa ako nalang ang photograher ninyo."
Good idea, para 'di tayo mahirapan" si Eli Zha.
Walang nagawa ang mga ito kahit anong pamimilit. Saka pilitan lang pakisamahan ang mga ito para lang makuha ang pinaka-aasam niya!
"O,siya Manega, sayang ang oras. "Aya niya sa mga ito. Gagamitin niya ang phone niya at baka ang gamiting phone ay cheap or 'di kaya keypad phone na may blurd camera.
"Tara-tara girls posing na bago natin gawin ang misyon!" aya ni Joy.
"Girls! Pang mahirap pose,ah" utos ni Eli Zha.
"Copy!" sagot ng wirdong kasama.
"One..two..shot na!" panimula ni Angelica.
Pagkasabi non ay nag ready na siya para sa walang kwentang shot ng taon.
"What the F#ck?" bulong niya.
Napangiwi siya sa pose ng mga sosyalerang nag pipiling mahirap. Ang sabi pang mahirap ng pose, pero ang pesteng ginagawa nito ay pang cover ng Fashion Magazine.
May nakabikakaka, kagat-labi
May tiis ganda, hagis buhok pose, stolen, drama at kung ano nalang maisipan ng mga ito. Hindi pa rin mawawala kahit ang pagiging sosyalera ng mga ito kahit anong tago pa. May pahabol pang jump shot habang ang kamay niya ay dire-diretso sa pagkuha ng litrato.
"Okay done na!" awat ni Miriam.
"Hay salamat."
"Naparami ba kuha mo?" si Chelzy
"Oo, ganda nga eh!"
"Make sure mo lang na maganda yan, Ate Hera ah! Ang hirap mag pose!" si Eli Zha.
Talaga?
"Maganda ang phone ko for photography!"
"Weah? Patingen nga. Gusto ko makita na maganda yung salamin ko diyan!" si Angelica.
Ang walang hiyang nerd ay inagaw ang phone niya. Yung cheap pa nitong salamin ang importante!
"Puwede namang kunin ng maayos 'di ba?"
Wala itong pakiealam sa kanya. Basta nakita niya nalang na pinag aagawan ng lima ang phone niya.
'Lord, bigyan ninyo pa ako ng mahabang pasensya..'
"Uy ang ganda ko d'yan!" si Chelzy
"Papasa lahat Ate Hera, gamit ng infrared!"
K*ng ina walang infared ang phone niya!
"Girls mamaya na magpasa! Ibalik ninyo na iyan kay Ate Hera. For sure naroon nasa loob ang Mayor !" sabi ni Annj.
Nanlaki ang mga mata niya sa panglang narinig. Pist*! Anong kinalaman ng Mayor sa clean sweeper na gagawin?
"W-Wait, Bakit may Mayor na nasali rito? Hindi ba dapat sa namamahala ng dipartamento ng--"
"For our safety," putol ni Joy.
Nagulantang ang manega ninyo.
"Safety? For what? Wait, i don't get it. Delikado ba mag walis walis?!" namumutlang tanong niya.
"Chillax Ate, need lang natin i-inform kay Mayor na ang katulad natin ay may misyon."
Kinatagalan magiging bob* na siya sa mga pinagsasabi ni Annj. Safety tapos i-inform ang misyon? Wala talaga siyang naintindihan sa combination ng safety at inform.
"Ano? Hindi ko ma-gets care to explain?"
"Alam mo, kanina kapa slow!" hataw ni Miriam sa kanya. Gusto niyang talunin ito at balian ng leeg. Siya pa talaga ang slow?
"Sorry ha? Nakaka bob* kasi mga pinagsasabi ninyo!"
"Kailangan malaman ni Mayor ang gagawin natin. Kasi mayayaman tayo. May pera, kapangyarihan at kagandahan!" paliwanag ni Eli Zha.
Medyo nakuha na ata niya ang punto ng mga ito. They need protection because they are heiress.
"Okay, kung kailangan pala ng proteksyon natin habang nag wawalis we don't have to go inside. I have a hired trusted mens to protect us."
"Ah Ah Ah!" singit ni Angelica. "Hindi 'yan ang point namin. We don't need bodyguards!"
What the!! Urrggh!! Ang gulo, nakakabob*!
"Duh..! Ang kailangan natin ay GAWAD PARANGAL!" Si Joy
Wala na. Hindi na niya kaya talaga ang mga pinagsasabi ng mga ito. Gusto na niyang umiyak.
"Owww..kay? At ano nanaman 'yon?"
"Gusshh.. Pag nalaman ni Mayor na nagpapakahirap tayo ay hahangaan niya tayo dahil sa angking kabutihan!" si Chelzy.
Ano daw? Hahangaan?
"After 'non, bibigyan niya tayo ng spot!" dugtong ng Miriam.
"Spot na ano?"
"Spot sa PICC para bigyan ng medal,Frame, certificate at Sash na may title na.. KAHANGAHANGANG NAG GAGANDAHANG MAYAYAMANG NILALANG NA NAGPAKAHIRAP MAG WALIS AWARD! Oh My God!! So Excited!" si Annjelic na may pakaway ng pang-beauty Queen.
Sa haba ng sinabi walis award lang ang naintindihan niya. Kung anoman ang award na yan dapat sa kanila 'Kulang sa sampal ng pera ng magising na Rich Kid sila Award'
Feeling mahirap na nga, mga wirdo pa at gusto pa magpapansin. Hindi puwedeng madamay siya sa mga ito.
"Okay..mukhang exciting nga. Magandang ideya, ang tindi Manega." pekeng sagot niya.
"Let's go to Mayor, girls!" si Annjelic.
"Go!!" sagot ng mga wirdo.
"Gag-- Go!!" habol niya.
This is it Manega, kailangan talaga pag hirapan ang numero ng baby sp*rm. Mapapasabak siya sa matinding walisan at kahihiyan!
Dire-diretso silang nagtungo sa Mayor's office. Good thing na naka-appointment pala ang mga ito kahit papaano nang makabawas ng kahihiyan. Bakit pa kasi kailangan pang ipaalam lang ang walang kwentang pakitang tao misyon.
A few moments later..
Halos takpan niya ang mukha sa kahihiyan dahil dalang kaguluhan ng Wirdong grupo sa loob ng opisina ng Mayor.
Doon ba naman kasi nag sukat ng uniform ng clean sweeper sa harap ng mayor na sumisintido na ngayon.
"Shocks! Look,Mayor mukhang malaki tong damit ko. I think extra small ako, Mayor!" si Chelzy na pinakita ang suot na uniform.
"Ano bang bagay sa akin, neon pink or neon green longsleeve, Mayor?" Si Angelica na inilahad ang dalawang long sleeve shirt na panakpan sa araw.
Sa kabilang banda naman ay pina aagawan nila Miriam and Ann-Jellic ang walis na may nakatusok na mahabang kawaya bilang hawakan.
"Akin itong walis! Sa'yo yung kalaykay! Mayor o,ang kulet niya!" reklamo ni Miriam na nakikipag agawan sa walis.
"No! Akin yung wales! Sa'yo yung kalaykay! Ayokong mag mukhang killer!" Si Ann-jelic.
"I'm done selfie tayo Mayor!" Si Eli Zha.
Kaguluhan, bangayan at sigawan ang namamayani sa buong opisina . Siya talaga ang hiyang hiya sa mga pinaggagawa ng mga ito. Ang laki-laki ng problema sa size at kulay ng damit, agawan sa walis na may mahabang tungkod na akala mo ngayon lang nakakita sa tanan ng buhay at walang kasawa-sawang pa picture.
"Buwisit ka talaga Armani. Kasalan mo ito pahirap ka talaga, sp*rm ka!"