CHAPTER 5

1888 Words
LORRAINE POV Hindi pa rin ako makakilos sa aking kinauupuan. Habang si Nathan naman, hanggang ngayon ay nakatulala pa rin. Naglabas muna ako ng hangin mula sa aking dibdib, bago naglakas loob akong magsalita. "Nathan, ano bang ginagawa mo diyan? Pwede bang hintayin mo na lamang ako sa baba?" malakas kong tanong. Pagkasabi ko ng mga katagang 'yon sa kan'ya ay nakita ko siyang tumalikod, bago magsalita. "Eh' kasi, narinig kong tinatawag mo sina Manang Melba. Nag-alala ako, kasi ang akala ko, kung napapaano ka na. Kaya 'di na ako nagdalawang isip na puntahan ka," paliwanag niya. "Malay ko bang lalabas ka nang gan'yan, na walang balot na towel sa katawan," pagpapatuloy ni Nathan. Naiintindihan ko naman siya kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya. "Oh, sige na. Pakisarado na lang niyang pintuan. Magbibihis na ako," sabi ko sa kan'ya. "Sige, hintayin na lang kita sa baba," tugon niya. Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita."Lorraine, hindi ko sinasadya na makita kang naked. I'm sorry." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay mabilis niyang sinaraduhan ang pintuan. Ngayon ko lamang naramdaman ang malakas na t***k ng aking puso. Agad akong tumayo at ini-lock ang pintuan. Pagkatapos ay nagmadali na akong kumuha ng aking damit at nag-ayos ng aking sarili. Pinili kong magsuot ng maong na short na medyo rugged at loose na top na venus cut. Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng aking kwarto. Habang bumababa ako ng hagdanan, ay naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. "s**t!" bulong ko sa aking sarili. Nakaka hiya talaga. Nakita na niyang lahat sa akin. Kaya hindi ko alam, kung paano ko siya pakikiharapan. Nang makarating ako kung saan naghihintay si Nathan ay hindi ako makatingin sa nang diretso sa kaniya. "Nathan," tawag ko sa kanya at pinamulahan agad ako ng mukha, nang tingnan niya ako sa aking mga mata. "I'm ready," sabi ko sa kaniya habang palinga-linga ako sa aking paligid. Nanigas naman ang katawan ko nang tumayo siya at hawakan ang mga pisngi ko at iharap sa kaniya. Nagbuga muna siya nang malalim na hangin bago magsalita. "Look at me. Miss Lorraine Monteverde, wala kang dapat ikahiya sa akin. Kasi aksidente ang nangyari kanina, na makita kitang hubad," diretsong pagkakasabi niya habang nakatingin siya sa mga mata ko. "Pwede bang kalimutan na natin ang nangyari kanina," sabi niya sa akin. "Paano ko makakalimutan? Eh' katawan ko ang nakita mo," bulong ko sa aking sarili. Tinitigan ako ni Nathan."Ang isipin mo na lang. Walang malisya 'yon, kasi sanay naman tayong magligo noon ng mga hubad." Sabay ngiti niya sa akin. Bilang pagsang-ayon sa sinabi niya ay tumango na lamang ako. "Tara na," pag-aaya niya sa 'kin. "Ako nang magdadala ng bag mo. Ayaw kong mapapagod ka," sabi niya. Sabay kuha sa bag kong dala. Nilakad lang ulit namin ni Nathan papunta sa mansyon nila. Kasi magkatapatan lang naman ang mansyon namin at mansyon nila. Kaya nga naging childhood friend kami ni Nathan, dahil kami lang lagi ang naglalaro noon. Habang naghihintay ako kay Nathan ay nahagip ng aking mga mata, ang picture naming dalawa noong mga bata pa kami. Dahilan upang may bigla akong maalala noong mga bata pa kami. FLASHBACK "Bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni Nathan. "Eh' kasi, ayaw nila akong kalaro." Sabay turo ko sa mga batang babae na naglalaro ng chinese garter. "Huwag ka ng umiyak, Lorraine. Laro na lang tayo ng bahay-bahayan. Ikaw ang nanay at ako naman ang tatay." Ngumiti si Nathan. "Pagkatapos 'yang baby doll mo ang baby natin," sabi niya sa akin. Ngumiti ako at nagpahid ng aking mga luha bago magsalita. "Nathan, ikaw talaga ang bestfriend ko. Kasi ayaw mo akong nalulungkot." Nginitian ako ni Nathan. "Oo naman. Kasi ikaw ang princess ko." Lumingon ito sa may puno. "Doon tayo maglaro sa treehouse, Lorraine." At bigla niya akong hinawakan sa aking mga kamay at naglakad kami papunta sa tree house. Nang makarating na kami sa treehouse, bigla niya akong hinalikan sa aking pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya. "Bakit mo ako hinalikan, Nathan?" tanong ko sa kan'ya. "Maglalaro tayo ng bahay-bahayan 'di ba? Kunwari mag-asawa tayong dalawa, 'di ba? Ang mag-asawa nagki-kiss kasi love nila ang isat isa," sabi niya sa akin. "Kaya nag-kiss ako sa pisngi mo. Kasi love kita. Kaya huwag ka nang iiyak kahit kailan," malambing na sabi sa akin ni Nathan. I'm only six years old pagkatapos si Nathan naman ay seven years old. Simula noong ayaw akong kalaro ng mga batang babae. Araw araw na kaming naglalaro ni Nathan ng bahay-bahayan. At simula rin noon, palagi niya akong pinagtatanggol sa mga umaaway sa 'kin. Kasi nga raw ako Ang princess. END OF FLASHBACK Nagbalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Nathan. "Let's go, nagtawag na sa akin si Pareng Alex. Naroon na ang buong team namin. Pati na rin ang mga ka cheering squad mo," sabi niya sa akin habang nakatulala ako sa kaniya. "s**t!" mura ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala na ang dating Nathan tababoy noon, ay isang hunks na ngayon dahil sa magandang katawan niyang taglay. Kung 'di pa niya ako kinurot sa aking ilong ay hindi ako matatauhan sa pagkakatulala ko, sa mala adones na katawan na nakikita ko ngayon. "Aray! Bakit mo ako kinurot?" nakaismid na tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan niya ako sa aking mga mata. Hinaplos ko kunwari ang aking ikong, upang mawala ang tensyon na nararamdaman ko ngayon. "Masakit 'yon, ha!" sabi ko sa kaniya. Sabay palo ko sa kaniyang dibdib. "Para-paraan ka Lorràine. Gusto mo lamang maka chansing, sa katawan ni Papa Nathan,l" sabi ng isip ko. "Paanong hindi kita kukurutin? Para kang nakakita ng multo," natatawang sabi ni Nathan. Pagkatapos ay hinawakan na niya ang aking kamay at naglakad na kami patungo sa kotse nila. Ihahatid daw kami ng driver nila sa meeting place namin. Tahimik lang kami sa loob ng kotse nang biglang magsalita si Nathan. "Masaya talaga ako ngayon, Lorraine. Kasi, sa wakas, makapag-outing din tayo, na hindi kasama ang mga parents natin. We can spend more time together, Lorràine, my princess," malambing na sabi ni Nathan. Pagkatapos ay bigla niyang hinawakan ang aking kanang kamay at hinalikan. "Gosh, I'm so tense," bulong ko sa aking sarili. Ang puso ko ang lakas ng t***k. Kung magsalita siya para niya akong girlfriend. Hindi ko alam bakit sobrang sweet niya ngayon sa akin. May parte ng puso ko ang lumulundag sa saya, ngunit may parte rin na umiiyak dahil sa lungkot. Kasi ayokong umasa dahil alam ko na may mahal siyang iba. "Ako rin masaya, kasi nakasama rin kita na tayo lang. At alam ko na aalagaan mo ako sa pupuntahan natin," masayang sabi ko sa kaniya at humilig ako sa mga balikat niya. Pakiramdam ko magkasintahan kami ngayon. Nang dahil sa pagiging sweet niya sa akin ngayon. Huminga muna ako bago muling magsalita. "Kanina, Nathan, naalala ko noong mga bata pa tayo. Buong kabataan ko yata, bahay-bahayan lang nilaro ko. Pagkatapos you always called me, my princess," masayang sabi ko sa kaniya. "Yes, naalala ko rin 'yon. Tulad lang tayo, na bahay-bahayan lang ang nalaro, noong mga bata pa tayo." Ngumiti siya at muling nagsalita. "And I always remember, na lagi kitang hinahalikan sa pisngi. And one time kumibo ka, nahalikan tuloy kita sa lips," masayang sabi ni Nathan. Nakaramdam ako nang pagkapahiya kaya namula ang aking pisngi. "Oo nga, palagi tayong nagki-kiss noon. Hanggang sa pinagbawalan na tayo maglaro ng bahay-bahayan. Kasi, hindi na raw pwede," tugon ko kay Nathan. "Sana in future tayo na lang," bulong ng isip ko. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Bandstand, na meeting place namin. Tinulungan ako ni Nathan bumaba ng kotse at magkahawak pa rin kami ng kamay. Kaya naman ang mga kaibigan ni Nathan na sina Charles, Alex, Carlo, Rigor, at iba pa nilang ka team. Pati na rin mga ka cheering squad ko ay panay ang tukso sa amin. Tapos ito namang si Nathan ay lalo pang hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko, feeling boyfriend talaga. "Don't tell me, kayo na? Kaya ayaw mo nang bitawan ang mga kamay ni Lorraine?" tanong ni Alex kay Nathan. "Dadating din tayo diyan, p're," mabilis na sagot ni Nathan. Kaya naman lalo akong nahiya dahil hindi pa nakonteto ay umakbay pa ito sa akin. "You will be mine, Miss Lorraine Monteverde, my forever princess," bulong sa akin ni Nathan, na may kasamang paghalik sa aking pisngi. Halos manigas ako sa aking narinig dahil hindi ko alam kung totoo ba ang kaniyang sinasabi. Nakita pala ng mga kaibigan mga kasama namin ang paghalik sa akin ni Nathan. Kaya naman nagsigawan silang lahat. Pakiramdam ko tuloy para na akong kamatis, dahil sa pula kong pisngi. "Lorraine, bagay kayo ni Nathan," komento nina Clarice at Joyce. Napapailing na lang ako habang si Nathan ay naka akbay pa rin sa akin. "Oh, andiyan na pala 'yong sasakyan nating bus," sabi ni Charles na halatang badtrip. Ngayon ko lang nalaman na outing pala ito ng buong math department. Ang basketball team at cheering squad team ng math department ay pinayagan ng head teacher na magkaroon ng bonding activity. Kaya mali ako ng akala, na kami -kami lang ng mga kaibigan ni Nathan. Siyempre ang feeling boyfriend kong si Nathan, ay inalalayan ako sa pagsakay sa bus. Pagkatapos kami pa rin ang magkatabi sa upuan. Buong biyahe yata niyang hahawakan ang mga kamay ko. At buong biyahe rin kaming tutuksuhin ng mga kaibigan namin. "Mga mate, may pang spray ba kayo sa langgam? Baka kasi langgamin itong dalawa nina, Lorraine, at Nathan," tukso ni Carlo sa amin. Bigla tuloy akong nahiya, at napansin naman ni Nathan ang pag-ibaibahan ko. "Don't mind them, Lorraine," sabi sa 'kin ni Nathan. Nagbuga muna ako ng hangin bago magsalita. "Ikaw, kasi. Ayaw mong bitawan ang mga kamay ko. Pagkatapos may pa akbay-akbay ka pang nalalaman ngayon," sabi ko sa kaniya. Napatawa siya sa sinabi ko. "Bakit? Sweet naman talaga ako sa 'yo noon pa 'di ba? Kasi since mga bata pa tayo, ikaw na ang princess ko," masayang sabi niya sa akin. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Kasi ang parikaramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito. "Sana nga Nathan, mahal mo rin ako," bulong ng isip ko. Buong biyahe namin ay napuno ng asaran at kulitan, siyempre ng tuksuhan din. Humilig ako sa balikat ni Nathan, at ipinikit ko ang aking mata at naramdaman kong niyakap niya ako at kinig na kinig kong may binulong siya sa akin. "I love you, Lorraine, my princess." Halos kurutin ko ang sarili ko upang malaman ko kung nananaginip ba ako o hindi. Ngunit totoo na sinabihan niya ako ng I love you. Pero bakit Naman niya ako sasabihan ng ganoon. Ngumiti na lamang ako dahil ang puso ko ay lumulundag sa saya. "I love you too, Nathan," bulong ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD