LORRAINE POV Naglakad na ako papunta sa aming kwarto, pagkatapos sabihin ni Nathan, na siya na ang bibili ng pads ko. Ngayon pa talaga ako dinatnan. At kung kailan wala akong dalang extra pads. Nakakahiya talaga sa dami-dami nang makakakita ng tagos ko, si Nathan pa talaga. Pagkatapos ay wala pa akong dalang pads kahit isa. Hindi ko nman kasi expected na magkakaroon kaagad ako ng period. "Haist," bulong ko sa aking sarili habang naglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa kwarto namin at andon na rin lahat ang mga kaibigan ko. "Oh' sis, anong nangyari sa 'yo? Bakit nakabalot sayo ang t-shirt ni Nathan?" curious na tanong sa akin ni Clarice. Huminga muna ako nang malalim, bago ko sagutin ang tanong sa akin ni Clarice. "Nagkaroon kasi ako. Pinatakip niya sa akin itong t-shirt ni

