"Class dismissed," saad ng aming propesor bago tuluyang lumabas ng silid.
Agad na napuno ng ingay ang buong classroom. Isa-isang nagsitayuan ang mga estudyante habang nagkukwentuhan at naghahanda nang magtungo sa cafeteria.
"Sa wakas, lunch break na rin," nakangiting sabi ni Kristal habang iniunat ang kanyang mga braso.
"Akala ko hindi na matatapos ang lecture," natatawang dagdag ni Lena.
tahimik lang akong nakikinig rito habang nilalagay ang aking mga libro sa bag.
"let's go?" aya ni lena samin.
Sabay kaming lumabas ng classroom. Ngunit bago pa man kami tuluyang makalayo, may narinig kaming tumawag.
"Princess Celestine."
Sabay-sabay kaming napalingon.
Nakatayo roon ang buong grupo ng royalties Vale, Kaelion, Calix, Alistair, Kyler, Nathaniel, Alfea, Celine, Amanda, Maorine, pati na rin si Lilian.
Tahimik lamang na nakatayo sina Alistair at nathaniel, habang si Calix at kaelion ay may bahagyang ngiti sa labi. Si Vale naman ay nakapamulsa at tila walang interes sa paligid.
Nakaupo si Kyler sa ibabaw ng isa sa mga mesa, nakayuko habang walang pakialam na iniikot ang maliit niyang dagger sa pagitan ng mga daliri. Ni hindi man lang niya kami nilingon.
Sa kabilang banda, magiliw na ngumiti sina Alfea, Celine, Amanda, Maorine, at Lilian nang magtama ang aming mga mata.
"Papunta kami ng cafeteria lara," panimula ni amanda saka lumapit at kumapit sa braso ko. "Kung wala kayong ibang gagawin, gusto ba ninyong sumabay sa amin?"
Nagkatinginan kaming tatlo.
"K-Kami?" gulat na tanong ni Kristal.
Tumango si Alfea at ngumiti.
"Oo. Mas masaya kung sabay-sabay tayong kumain."
"Sama na kayo," dagdag ni lilian, hmm this
Napatingin sa akin sina Kristal at Lena, halatang hinihintay ang magiging sagot ko.
Muli kong ibinalik ang tingin sa grupo ng royalties saka tumango nalang ay nag simula na ulit mag lakad and for Amanda eto parin nakakapit parin sa braso ko.
Amanda POV.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Ilang beses ko nang pinisil ang sarili kong palad para lang matiyak na hindi ito panaginip.
Nandito ako...
Katabi ko si Celestine.
At higit sa lahat hindi niya ako tinataboy gaya ng ginagawa ko sa kaniya noon.
Mahigpit pa rin akong nakakapit sa braso niya, pero hindi niya iyon inaalis. Hindi rin siya umiimik o nagpapakitang naiirita.
Unti-unti kong ibinaba ang tingin sa kamay kong nakakapit sa kanya.
Noon, simpleng bagay lang ito.
Isang bagay na ginagawa ko nang hindi man lang pinag-iisipan.
Pero ngayon...
Pakiramdam ko, isa na itong pribilehiyong muntik ko nang tuluyang mawala.
Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.
We're really okay now...
Hindi ko namalayang napangiti ako.
Isang maliit, ngunit totoong ngiti.
Sa wakas, nabawi ko rin ang best friend ko.
Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng cafeteria.
Dumiretso kami sa nakasanayan naming mesa na sapat ang laki para sa aming lahat.
"Ako na ang o-order," saad ni Kyler habang tumatayo.
"Same," dagdag ni Alistair.
Isa-isa nilang tinanong ang gusto naming pagkain bago nagtungo sa counter.
Samantala, naupo naman kami sa aming mga upuan.
Tahimik lamang si Vale. Nakaupo siya sa dulo ng mesa, nakasandal sa upuan at tila walang interes sa paligid. Samantalang si Nathaniel ay tahimik lang ding nakaupo, pinagmamasdan ang lahat.
Hindi ko namalayang panay na pala ang lingon ko kay Lara.
Kung nagtataka kayo kung bakit Lara ang tawag ko sa kanya...
Dahil Elara ang una niyang pangalan.
Noon pa man, Lara na ang itinatawag ko sa kanya.
Napansin iyon ni Celine kaya napangiti siya.
Amanda..." pahina niyang tawag. "Kung tititigan mo pa si Celestine, baka matunaw na 'yan."
Agad akong napalingon sa kanya.
"H-Ha? Hindi kaya!"
Natawa sina Alfea at Maorine.
"Halata ka kasi," natatawang sabi ni Alfea.
"Para kang natatakot na bigla na naman siyang mawala," dagdag ni Maorine.
Bahagya akong napayuko.
"...Natatakot naman talaga." saka hindi lang kase ako makapaniwala ibang iba siya sa elara na kaibigan ko noon iba na ang aura niya ngayon.
Biglang natahimik ang mesa.
"Akala ko kasi... hindi mo na talaga ako papatawarin."
Ngumiti siya nang bahagya.
"Sinabi ko naman na, hindi ba? Tapos na 'yon."
Napakurap ako.
"Talaga?"
"Oo."
Hindi ko napigilang mapangiti.
"Thank you... Lara."
Napailing lang siya habang may munting ngiti sa labi.
"Hmm" ang cold niya na talaga.
Tahimik lang na pinagmamasdan nina Calix, Kaelion, Lilian, Kristal, at Lena ang usapan namin.
Pagkaraan ng ilang segundo, si Kristal ang unang nagsalita.
"Alam n'yo..." nakangiti niyang saad. "Mas bagay sa inyo ang ganito."
Tumango si Lena.
"Kaysa naman nag-iilagan kayo sa isa't isa."
Nagkatinginan kaming lahat.
At sa pagkakataong iyon...
lahat kami napangiti.
Celestine POV.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik sina Kyler at Alistair dala ang mga inorder naming pagkain.
"Excuse me," maikling saad ni Kyler habang isa-isang inilalapag ang mga tray sa mesa.
"Here's yours," dagdag ni Alistair sabay abot ng mga pagkain sa bawat isa.
"Salamat," halos sabay-sabay naming tugon.
Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming kumain.
Mabilis na napuno ng tawanan at kwentuhan ang mesa.
Si Kristal at Lena ay masayang nakikipagkulitan kina Alfea, Celine, at Maorine. Si Amanda naman ay paminsan-minsang sumasabat sa usapan habang si Calix ay panay ang biro na siyang dahilan ng pagtawa ng lahat. Maging si Lilian ay paminsan-minsang nakikisali sa usapan, habang si Kaelion ay naglalabas lamang ng maiikling komento na lalo pang nagpapatawa sa grupo.
Tahimik lamang akong kumakain habang nakikinig sa kanila.
Hindi ko na kailangang magsalita.
Sapat na sa akin ang pakinggan ang masasayang usapan nila.
Ngunit habang inaabot ko ang baso ko...
May kakaiba akong naramdaman.
Parang...
May nakatingin sa akin.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking mga mata.
At doon ko siya nakita.
Si Vale.
Tahimik lang siyang nakaupo sa tapat ko, isang kamay ang nakasandal sa pisngi habang diretso ang tingin sa akin.
Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang siya makatingin.
Saglit lang kaming nagkatitigan bago siya walang emosyon na nagbaba ng tingin sa kanyang pagkain.
Akala ko ay ako lang ang nag-iisip ng kung anu-ano.
Pero nang ilipat ko ang tingin sa kabilang dulo ng mesa...
Napatigil ako.
Maging si Nathaniel ay nakatingin din sa akin.
Ngunit hindi tulad ni Vale, may bahagya siyang ngiti na tila may gustong sabihin ngunit piniling manahimik.
Napakurap ako at agad na ibinaba ang aking tingin.
Bakit... parang panay silang nakatingin sa akin ngayong araw?
Hindi ko na lamang iyon pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.
Hindi nagtagal ay natapos din akong kumain, kaya nag paalam na muna ako na pupunta sa cr.
" CR na muna ako" saad ko habang marahang tumatayo.
" sasamahan na kita," mabilis na sabi ni Amanda, tila handa nang tumayo.
Ngunit umiling ako at ngumiti nang bahagya.
"Okay lang. Malapit lang naman."
"Sigurado ka?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
Tumango ako bago tuloyang umalis.
Tahimik ang pasilyong dinaraanan ko.
Hindi gaanong maraming estudyante ang naroon dahil karamihan ay nasa cafeteria pa.
Ilang hakbang na lamang at mararating ko na ang women's restroom nang biglang may humarang sa daraanan ko.
not again.
Nakaharap ko si Melanie.
May mapanuyang ngiti sa kanyang mga labi habang nakahalukipkip.
Sa likuran niya ay may tatlong lalaking hindi ko kilala. Malalaki ang pangangatawan ng mga ito at halatang hindi sila naroon para makipag-usap nang maayos.
"Well, well..." ani Melanie. "Akala ko hindi ka na dadaan."
Nanatili akong kalmado.
"May kailangan ka ba?"
Ngumisi siya.
"Meron."
Bahagya siyang umatras at tumango sa mga lalaking nasa likuran niya.
"Wag n'yo nang patagalin."
Agad na lumapit ang tatlo.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras.
Sa sandaling susunggaban ako ng unang lalaki, mabilis akong umiwas sa kanyang suntok. Sinunggaban ko ang kanyang pulso, iniikot ito, saka siya itinulak palayo.
Napaatras siya habang napangiwi sa sakit.
Kaagad namang sumugod ang pangalawa.
Yumuko ako upang iwasan ang suntok niya bago ko siya siniko sa tagiliran. Nawalan siya ng balanse kaya mabilis ko siyang sinipa sa tiyan.
Bumagsak siya sa sahig.
"Anong—?!" gulat na bulalas ni Melanie.
Ngunit hindi pa tapos ang huli.
Mabilis na sinugod ako ng ikatlong lalaki.
Inilagan ko ang kanyang pag-atake at tinamaan siya ng siko sa dibdib bago ko siya itinulak palayo.
Napaatras siya ng ilang hakbang.
Tahimik kong inayos ang manggas ng uniporme ko na tila walang nangyari.
Malamig kong itinuon ang tingin kay Melanie.
"Iyan na ba ang pinakamahusay na naisip mo? who do you think is weak now?? you know what Melanie I'm not in the upper class for nothing"
dahan dahan akong lumapit dito "a-anong gagawin mo?"
I smirked "scared eh?? you know what I can easily kill you to be honest but I won't pero sa oras na mapuno ako may kakalagyan ka" huling sabi saka siya iwan at nag punta sa cr saka bumalik rin sa cafeteria.
"ohh princess tagal mo yata?" bungad sakin ni lena ng umopo ako sa upoan ko kanina.
" may inayos lang" simpling saad ko rito.
Hindi na sila nagtanong pa at nagpatuloy lang kami sa pagkain at kwentuhan.
Ngunit ilang sandali pa...
Ting!
Isang mahinang tunog ang umalingawngaw sa buong academy bago bumukas ang mga speaker na nakalagay sa bawat gusali.
"Magandang tanghali, mga estudyante ng Astralis Academy."
Agad na natahimik ang buong cafeteria.
Lahat ng naroon ay napatingala sa mga speaker.
Muling nagsalita ang pamilyar na boses ng Headmaster.
"Nais ko lamang ipaalam sa lahat na ang taunang Ranking Assessment ay gaganapin ngayong Huwebes at Biyernes. Ang lahat ng estudyante ay inaasahang lalahok. Ang inyong magiging performance ay magsisilbing batayan ng inyong kasalukuyang ranggo sa loob ng akademya."
Nagkaroon ng iba't ibang reaksyon ang mga estudyante.
May mga natuwa.
May mga kinakabahan.
At mayroon ding halatang sabik na sabik.
Matapos ang anunsyo ay muling bumalik sa dati ang ingay sa cafeteria.
"Ranking Assessment?" nagtatakang tanong ko.
Napatingin sa akin si Nathaniel.
"Hindi pa pala naipapaliwanag sa'yo?"
Umiling ako.
"Noong bagong dating kasi ako rito, wala pang nagkukuwento tungkol doon."
Ngumiti si Alfea bago siya ang unang nagsalita.
"Simple lang ang Ranking Assessment. Isa itong pagsusulit sa lakas at kakayahan ng bawat estudyante."
"Maglalaban-laban ang lahat," dugtong ni Calix. "Hindi lang puro espada, susubukin din ang bilis mag-isip, diskarte, at kontrol sa emotion mo para maipanalo ang laban."
"At base sa magiging resulta," sabi ni Celine, "doon malalaman kung anong ranggo ang nararapat sa bawat estudyante."
"Kapag mataas ang score mo, mas mataas ang magiging ranking mo sa academy," paliwanag ni Lilian, iba parin talaga feeling ko pag nag sasalita to minsan kase nahuhuli ko itong masama ang tingin sakin.
"Pero kapag mababa..." nakangising singit ni Kaelion, "...handa kang bumagsak sa ranking."
Napatingin ako sa kanila.
"Ibig sabihin..."
"Tama ang iniisip mo," putol ni Kyler. "Hindi permanente ang ranking ng kahit sino."
"Maaaring maungusan ng mas mababa ang mas mataas kung mas mahusay ang ipinakita niya sa assessment," dagdag ni Alistair.
Tumango si Amanda.
"Kaya tuwing Ranking Assessment, seryoso ang lahat. Doon kasi nasusukat kung sino talaga ang nangunguna sa bawat taon." himala at nag salita tong male lead na to.
tango tango naman ako habang iniisip ang nalalapit na assessment.
interesting...