Special Chapter: The surprise Third Person's POV Kasalukuyang abala sa pag-aayos ang lahat para sa gagawing surpresa ni Kaizer para kay Alexa. Lahat ng kanilang kaibigan ay taos pusong nakiisa. "Omg! Ang swerte naman nung babaitang iyon! Hindi ko expect na may paganto ganto pa si Kaizer tsk! Kala mo naman talaga eh no." Lahat ay natawa sa tinuran ni Vix, kanina pa siya dada ng dada tungkol sa pasurpresa ni Kaizer sa dalaga. "Baka naman kase naiingit ka lang, Vixxeon." Pang-aasar naman ni Babi sa kaniya,hindi napigilan ni Vix na mapangiwi dahil sa narinig na naman niya ang buong pangalan niya. "Ewww, ano ba Babi! Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na huwag mo na akong tawagin sa buong pangalan ko! It's Vix! Vix!" Pasigaw nitong sambit ngunit natawa lamang ang lahat sa kaniya. "Shut U

