Kaizer's POV "Sir. We've already arrived." Naalimpungatan ako ng marinig kong may magsalita sa bandang kanan ko, pipikit-pikit pa ang mga mata kong napalibot ng tingin. Sandali pa akong natigilan ng makitang sakay ako ng isang sasakyan, at bigla ay isa-isa kong naalala ang lahat-lahat. Napatitig ako sa lalaking nagsalita kanina. Right, he's Zairus. my mother's butler. Napahikab na lamang ako saka wala sa sariling napatingin sa labas. I think we're here. "Ilang oras akong tulog?" "Mahigit dalawang oras po." Napangiwi na lamang ako ng marinig ko ang cute niyang accent. Pfft. Napailing na lamang ako saka bumaba ng sasakyan. Ah right, hindi lang pala sasakyan ang sinakyan ko. Kun'di Limousine. Napahinga na lamang ako ng malalim. "Wait me here, I'll be quick. I'll just check on her."

