Alexa's POV Isang araw na magmula ng idineklara na patay na si Stella, pero para sa amin parang kanina lang ang lahat. Lahat ay sariwa pa sa aking mga ala-ala. Nanatili lamang kaming tahimik, hindi rin kase namin alam kung ano ang dapat na sambitin. Mararamdaman mo talaga ang bigat dito sa hospital. Actually, pinauwi ko na si Kaizer. Pinahatid ko kay Zairus, nawalan kase siya ng malay. Well, I couldn't blame him though because of so much pain. That pain in unexplainable. Siguro kung ako man ang nasa posisyon ni Kaizer, baka mas higit pa ang sakit. Malalim akong napabuga ng hangin saka wala sa sariling napatingin sa kahabaan ng hallway, nagpaiwan kase kami rito ni Vix para asikasuhin si tita Stella. Habang sina Babi at Yvo naman ay nag-asikaso ng magiging kabaong ni tita. Pati ako

