Wala sa loob siyang natuloy-tuloy sa loob ng library. Inilapag sa mesa ang kape at tahimik na umupo sa isa sa mga upuan na naroon.
Si Nigel ay tahimik na sinusundan ang bawat galaw ng dalaga. Pagkatapos ay kinuha ang kapeng inilapag niya sa mesa. Humigop ng kaunti at muling ibinalik sa tray. "Kanina ka pa ba nariyan?" tanong nito.
Umiling siya at hindi inabalang tingnan ito sa mga mata. “Pag-usapan na natin ang dapat pag-usapan,” aniya sa malamig na tono.
She heard him chuckled. A sexy laughed coming from a devil-himself. “Tama ba ang mga narinig ko? May pakialam ka na ngayon sa lahat ng mga sasabihin ko?” tanong nito sa nagagalak na tono.
“Well, well . . .” He walked to her back and went close to her ear and whispered. “Kung gayon, pumapayag ka ng pakasal sa ‘kin?” he said huskily. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito na kumiliti sa kanyang balat.
Nagsimula muli ang tensiyon sa pagitan nila ni Nigel.
Naipikit niya ang mata bago galit na hinarap ang mukha ng lalaki. Ang mga kilay niya ay kulang na lang ay magdikit sa sobrang kunot. Nakatunghay ang binata sa kanya kaya’t kitang-kita nito ang reaksyon niya. “Wala akong sinasabing magpapakasal ako sa ‘yo. Ilang beses ko bang sasabihin. Alam mo ang dahilan kung bakit ako narito, Nigel. At ayoko na tumagal pa ako rito na kasama ka,” she retorted angrily. At kung nakakamatay lang ang mga tingin niya sa lalaki ay kanina pa ito sana bumulagta sa pulang carpeted.
A mocking smile appeared on his face. Hindi natinag sa ginawang pag-iwas ng dalaga. “Why? Why do I always make you angry, Ylona? Wala akong maalala na sinaktan kita para itrato mo ako ng ganito,” he said, staring intently at her.
“What’s really going on? Is it me, or is there something more beneath the surface?”
Inalis niya ang tingin rito. Walang salitang binanggit.
Then, Nigel sighed. “Well, tingnan natin kung makakatanggi ka pa ngayon,” saad nito na may kumpiyansa sa tinig. Ang mainit nitong hininga ay nararamdaman niyang dumadapyo sa kanyang leeg. Na nagdudulot ng kuryente na umakyat sa kanyang katawan. Isang init na bumabalot sa kanya tungo sa kanyang kaibuturan.
Nang lumayo ito sa kanya at tumayo ng tuwid ay doon lamang niya pinakawalan ang pinipigil na hininga habang sinundan ang galaw ng lalaki. Kinuha nito ang isang brown envelope mula sa gilid ng mesa at inabot sa kanya.
“What is this?”
“Open it,” he ordered, then reached for the coffee.
She glared at him. “Kung ano man ito ay hindi magbabago ang isip ko. Hindi pa rin ako magpapakasal sa ‘yo kahit ano pang gawin mo,” wika niya. Nahuli niya pang nag-kibit balikat ito sa sinabi niya bago niya binuksan ang envelope at inisa-isang tiningnan ang laman niyon.
Biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Ylona nang bumalandra sa kanya ang mga litrato ng nobyo na may kasamang iba’t ibang mga babae. Ang ilan ay kahalikan nito kung saan-saan parte ng lugar. Mapa-club, sa sasakyan man o mapa-opisina. Wala itong pinapalampas na lugar kung saan abutan ito ng pagnanasa. Pero hindi siya naniniwalang magagawa iyon ng nobyo sa kanya. Bagaman naghalo-halo ang naramdaman ni Ylona. Na tila sinampal siya ng napakalakas sa kinasasadlakan niya. Pinilit niyang huwag tumulo ang luha sa kanyang mga mata. No, this can’t be! Shun wouldn’t do this to her. Hindi makapaniwalang bulong ng isipan niya. Pinapairal ang pagmamahal niya sa nobyo kaysa ang ginawa nitong panloloko sa kanya.
Umiling-iling siyang tumingin sa lalaking si Nigel. Her facial expression stiffened. “That’s not true, hindi ’yan magagawa ni Shun sa ‘kin. He loves me so much,”
Nigel laughed sarcastically. Muling ibinaba ang kape sa saucer. “Kitang-kita na ang ebidensiya ay hindi ka pa rin naniniwala?” hindi makapaniwalang litaniya nito. “And yes, he loves you just as much as he loves those women he kisses in that pictures,”
Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ang lalaki. Hindi niya alam kung totoo ang mga pinakita nito sa kanya upang siraan ang nobyo. “Bakit mo ba ito ginagawa? Wala kang alam sa buhay niya. Malay mo bang mga dati niya itong girlfriend bago na maging kami.”
Matagal siya nitong tinitigan sa mga mata. “I know him very well, Ylona. I investigate him. At sa tingin mo ba gagawin ko ang lahat ng ‘yan para siraan ang boyfriend mo? Come on, you’re smarter than that. Just look at you—you don’t seem to know anything about his past relationships. Are you sure you want to jump in blind? Sometimes, the truth can be a little shocking."
Biglang natahimik ang dalaga. Ni isa, ay wala siyang maalala na may ikinukuwento si Shun sa kanya tungkol sa mga past relationships nito. Mas mukhang bibig nito kung gaano siya kamahal ng nobyo.
“W-why not? Nais mo nga akong kunin sa kanya hindi ba? So, iyon ang magiging pakay mo, gagawin mo ang lahat para magalit ako sa kanya.”
“I’m not someone who would engage in pointless games, Ylona. And honestly, how can you not feel anything about those pictures you saw? You’re right, I’m just trying to protect you from a potential disaster. But if you want to ignore the warning signs, that’s on you.”
“No, ikaw ang nagdadala ng kapahamakan sa akin. Ngayon pa lang, sinisira mo na ang buhay ko. Right from the moment you proposed and dragged me here. Taktika mo lang ito dahil desperado ka, hindi ba?” Bigay diin niya sa huli.
Nagtagis ang panga ni Nigel, at nasaktan siya nang mahigpit siyang hawakan ni Nigel sa braso. “I am desperate because of you, Ylona. I’d take every bullet just to protect you.”
Fear was on Ylona's face. Nabigla sa nangyaring ginawa sa kanya ni Nigel. Bagaman nakita iyon ng lalaki at lumuwag ang hawak sa dalaga.
Magpasensiyang humingi ng tawad si Nigel. Pakiwari niya’y walang magpapakumbaba sa kanilang dalawa ng dalaga. “I know you’re still in shock, but I need you to hear me out. Those photos I gave you are the latest. There are no edits or tricks meant to sabotage your boyfriend—they’re real! Each photo is timestamped, showing exactly when they were taken, including some from last month and just three days ago. I wouldn’t bring this to you if I didn’t care. You deserve to know the truth, no matter how painful it may be.”
Wala sa antisipasyong inisa-isa niyang tiningnan muli ang mga kuhang litrato. At hindi siya nagkakamali. Inuusig lamang niya ang sarili na huwag itong paniwalaan kahit sinasampal na sa kanya ang katotohanan.
“The man you believe truly loves you is, in fact, a fraud, Ylona. You must understand the seriousness of what I’m saying. He’s only after your money, and the reason you haven’t received any inheritance from your father is that Sofronio has been monitoring him for quite some time. This isn’t just speculation; it’s a reality you need to confront.”
Hindi makapaniwala si Ylona sa lahat ng nalaman. Si Shun? Gagawin nito ang ganoong bagay sa kanya? Kailanman ay hindi niya napag-isipan na niloloko siya ng nobyo. Pero ang ginawa nito sa kanya ay isang panloloko. At hindi lamang siya ang babae sa buhay nito kundi pati na rin ang mga babaeng mga nasa litrato. Paano nito sila pinagsasabay-sabay? Hindi siya makapaniwalang napaniwala siya nito sa matatamis nitong mga salita. She could kill him for doing this to her.
Kusang kumuyom ang mga kamay niya sa panibughong nararamdaman.
“Nang mamatay ang ama mo ay ako ang nagpatuloy ng pag-iimbestiga sa kanya. Na kahit ang Lola Ofelia ay nakakaramdam din ng hindi maganda sa nobyo mo,” pagpatuloy nito.
“What do you mean? Pina-imbestigahan niyo siya ng hindi ko nalalama?”
Tiim na tumango si Nigel. “Yes, this is Tito Sofronio's plan. Your father is taking these precautions to protect you from potential danger. That guy you're with? He’s only after your inheritance, not your love. The private investigator I spoke with confirmed that he targets wealthy young women—those who are innocent and naive. You fit that profile perfectly, Ylona, and I can't stand by and let him take advantage of you.”
Tinukoy siya nito. Tumaas ang dugo ni Ylona sa ginawa nitong pagdidibelirisya. At bago pa siya makapagsalita ay inunahan na siya nito.
“If I hadn’t brought you back to La Trinidad, you wouldn’t know the truth. You’re still with him, making a fool of yourself.”
“You’re completely wrong. Ang sabi niya ay hayaan na raw namin ang mana ko at magpakasal na kaming pareho. He even invited me to have a dinner date with him, and it should be tonight!” Ylona insisted, her voice tinged with defiance
Muling natawa si Nigel. “Don’t be so gullible, Ylona. I know you’re better than that. Do you really think he’ll just let you go without getting something in return? If I hadn’t brought you back to La Trinidad, you’d still be completely unaware of the truth.”
Naihilamos niya ng palad ang mukha. “Then answer me, why has my inheritance from my father been withheld?”
“Your boyfriend is the root of all this. Nang mamatay ang magulang mo ay naisip nilang sa Lola Ofelia mo ilagay ang mana mo, to protect you until you could see the full extent of his deceit. At isa pa, hindi ko nasabi sa iyong inatake sa puso ang abuela nang araw na mag-usap sila ng nobyo mo at tinangay ka niya pa-Maynila. Ylona, this is the truth you can’t keep ignoring”
“What?” Ylona gasped, unable to believe what she was hearing. How had she not known about what happened to her Lola Ofelia? Her parents had only been buried weeks ago, and the thought of losing her grandmother too was something she couldn’t bear.
“Where is she now? Ang sabi sa akin ni Manang Cacilda kagabi ay nasa silid ang Lola at nagpapahinga,”
“Tama ka, kasalukuyang siyang nagpapahinga siya sa Rancho ngayon. Mas makabubuti sa kanya ang makasagap ng sariwang hangin doon.”
“Can I go see her?” nasasabik niyang tanong. Nais niyang humingi ng tawad sa abuela niya sa mga nangyari.
“Of course, you can see her,” he affirmed.
Nawala ang agam-agam sa dibdib ni Ylona at napalitan ng nananabik na ngiti.
“Pero, inaasahan niya ring magpapakasal na tayong dalawa.”
Kung gaano kabilis bumalakid ang ngiti sa mukha ni Ylona ay ganoon rin kabilis nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. “No! that's impossible!” she said, her voice filled with shock and disbelief.
Tumiim ang mga mata ni Nigel. “Nothing is impossible, Ylona, as long as you’re willing to follow my lead. This is for your own benefit. I won’t forgive you if something happens to your grandmother because of your stubbornness,” he said, his voice steady and commanding.” he said firmly. Pagkatapos ay tumayo sa swivel chair.
“Bibigyan kita ng tatlong araw para pag-isipan ang bagay na iyan.”
Nag-atubili si Ylona. "Tatlong araw? Iyan ang ibinibigay mo sa akin?" Ang tinig niya ay puno ng galit at pagkalito. "At paano mo ako mapapasunod? Wala kang karapatan na utusan ako, Nigel!"
“You need to understand the stakes here. Every decision you make has consequences that extend beyond just yourself. Trust me; this is not merely about you anymore. It’s about protecting those you care for. So, before you object, think about what’s at risk. Your choices can either shield or put them in danger. Choose wisely.” anito at nagpatiunang humakbang palabas ng library.
“This is perfidious!” she said in repugnance. Sinundan niya ang pinaglabasan nito. Hanggang naiwan siyang naiinis at mag-isa sa loob ng library.