The next day, maagang nagising si Ylona. Pababa pa lang siya sa hagdan ay naririnig na niya ang nakakarinding ingay na tili at tawa ng isang babae na pakiwari niya’y nagmumula sa labas. Nasalubong siya ni Manang Cacilda sa puno ng hagdan. “O’ gising ka na pala, hija. Papanikin na sana kita sa silid mo dahil pinapagising ka na ni Nigel,” wika nito. Well, he still remembers me, she thought, frowning at the idea. “Where is he, Manang?” she asked. “Nasa lanai. Nakahanda na ang almusal ninyong dalawa kasama si Miss Atesha.” Tumiim ang mukha ni Ylona nang marinig ang pangalan ng babae. She knew her. Ito ang babaeng kasamang lasing ni Nigel kagabi. She nodded, forcing a smile as she made her way to the lanai. Mula sa entrada palabas ay mas lalong naririnig na niya ang ingay na tili ng baba

