Kabanata 1

1350 Words
“I CAN'T believe this, Attorney!” bulalas ni Ylona sa pinagsamang pagtataka at pagkamangha matapos sabihin ng abogado ang nilalaman ng testamento ng kanyang ama. That is not a testament but a lawyer's legal statement on her father's properties, which was to her’s surprise was none. Walang iniwang kahit na ano si Alfonso para sa kanya na kaisa-isang anak nito. His and Margie’s death were unexpected. Hindi ito nakagawa ng testamento. Pero ang malaman na wala itong mga pag-aaring naiwan sa kanya ay hindi mapaniwalaan ni Ylona. “Calm down hija. Kung may duda ka sa authenticity ng mga papeles na ito, here . . .” Iniabot ng abogado sa kanya ang dokumento. “Maaari mong basahin ang buong nilalaman ng dokumentong iyan to clarifying your thoughts.” Umiling siya. Her father’s partner and friend would not lie to her. She had know him all her life. “Paanong walang iniwan ang mga magulang ko, Uncle Johnny?” “Dahil wala naman talagang iniwan ang mommy mo, Ylona. Just like what you have said wala siyang bank account. Ano na lamang ba sinisuweldo ni Margie bilang isang nurse? Ang lahat ng kaalwanan niyo sa buhay ay dahil sa trabaho ng iyong amang si Alfonso.” “Precisely, kaya nga nakapagtatakang walang iniwan man lang sa akin ang Papá ko,” she said in bemused. Nilinga ni Ylona ang buong silid. Opisina iyon ng kanyang ama na ngayon ay siya nang gamit ni attorney Johnny Melendez, isa sa mga major partners sa law office na iyon. When she was a little girl, she used to come here with her mother. Sinusurpresa nila ang Papá niya sa oras ng trabaho nito. Mainit at whole embrace naman silang sinasalubong ni Alfonso. But still, this was her father’s office. Naroon pa rin ang mga libro nito at gamit. Sa isang sulok ay naroroon ang dalawang di-kalakihang karton upang paglagyan ng mga personal na gamit ng Papá niya. Ylona’s parents were buried three days ago. Masakit at sariwa pa sa damdamin niya ang pagkamatay ng dalawang mahal niya sa buhay. Nang ma-confine sa ICU si Alfonso ay tila nawala sa sarili si Margie. She was shocked and devastated. Her husband was only forty-eight years old. Malakas, mahilig sa veggies at mga mabitaminang pagkain ang kanyang ama. Bagaman hindi nagpapa-checkup ay walang nag-aakalang may sakit ito sa puso. Ni pahiwatig na may sakit ito ay wala. Kung tutuusin ay mas si Margie pa ang maituturing na may sakit dahil walang linggong hindi ito nagtutungo sa hospital. They all knew her mother had heart disease. Regular ang pagparoo’t parito nito sa hospital sa nakalipas na isang taon to take a medicine. Si Ylona ang sinisi ni Margie sa nangyari sa asawa. Ayon dito, kung hindi nag desisyon si Ylona na iwan ang Law school at kumuha ng Fine arts ay hindi sana nadulutan ng sama ng loob si Alfonso na siyang dahilan ng biglang pag-atake nito sa puso. Gusto ng Papá niya na maging isang abogado siya. Na balang araw ay magiging isa siya sa mga partners sa law office na kasosyo ang ama. Nang una ay pinagbigyan siya ng mga magulang, lalo na ang Papá niyang mapilit na kumuha siya ng paga-abogasya. Subalit nang maglaon ay kinabagutan niya ang walang katapusang research at case studies. She doesn’t want to be a lawyer. Hindi niya kailanman nakikita sa balintataw niya na magiging isa siyang abogado, like her father. She had always wanted to paint. Kaya naman bago ang enrollment sa ikatlong taon niya sa kolehiyo more than a month ago, ipinasiya niyang sabihin sa mga magulang ang pagnanais na magpalit ng kurso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang nagalit nang husto ang magulang niya. Lalo na ang Papá niya, at ang galit ay mas nag-ugat upang upang bigyan ito ng sama ng loob at atakihin sa puso. Hindi interesado si Alfonso sa anumang bagay na gusto niya. Lalo na kung anong kurso ang pag-aralan niya. Ngunit matatag ang desisyon ni Ylona na kumuha ng Fine arts. Sinikap niyang ipaunawa iyon sa Mommy niya na hindi siya magiging mahusay na lawyer dahil hindi iyon ang hilig niya una pa lamang. “Kung hindi kita mapipigil ay ikaw ang bahala,” sapilitang sang-ayon ni Margie. “Hindi ko akalaing pagpipinta ang gusto mong gawin Ylona,” usal nito, mas sa sarili kaysa sa kanya. She frowned at her mother. “Thanks, Mom.” Isang buwan matapos ang pag-uusap na iyon, habang nagbabasa ng peryodiko sa harap ng almusal, Alfonso had an attack. A fatal one had put him in a comatose for two weeks before succumbing to death. Ni hindi pa man rumehistro sa isip ni Ylona ang pagkamatay ng kanyang ama ay sumunod naman ang ina na ang pagitan ay wala pang kalahating oras. Her mother drove the BMW out of parking lot. Ayon sa testigo ay napakabilis ng pagmamaneho ni Margie na halos lumampas na sa limit ng natural na pagmamaneho ng isang driver. Tinawid raw nito ang intersection sa kabilang pula ang ilaw at kasalukuyang tumatawid ang isang ten-wheeler truck. Minutes later, she was brought back to the hospital through an ambulance and was pronounced dead on arrival. “Ikinalulungkot ko, Ylona” putol ng attorney sa paglalakbay ng isip niya. She blinked. Ibinalik niya ang atensiyon dito. “H-hindi ako makapaniwalang walang naiwan ang mga magulang ko, Uncle Johnny,” she said in disbelief and grief. “Saan napunta ang lahat ng ipinundar nila? Ang pera nila sa bangko?” “Lingid sa kaalaman ni Margie ay nalipat na ni Alfonso ang share niya sa opisina sa Lola mo, hija. Noon pa mang malaman ng Papá mo ang tungkol sa sakit niya. At sa palagay ko ay dahil din sa panghihikayat ng Lola mo.” Both information genuinely surprised her. “Bakit ginawa ng Papá ko iyon?” “Hindi ko maaaring sagutin ang tungkol sa bagay na ‘yan, Ylona. At kung ang tungkol sa mana mo ang pag-uusapan, may palagay akong ang Lola Ofelia mo ang dapat mong kausapin. I think sa kanya magmumula ang desisyon.” Nagtaka si Ylona. “Desisyon? I don’t have any idea, Uncle Johnny,” totoo at seryosong banggit niya na naguguluhan. “Well, hindi ko rin alam hija. Ang tanging Lola Ofelia mo lamang ang makakasagot niyan sa bumabagabag sa ‘yo.” Pinahid niya ng hawak na panyo ang sulok ng mga mata. “A-ang rancho namin . . . hindi niyo nabanggit, Uncle Johnny, Surely, my father left the rancho to me,” she was hopeful. The attorney gave her a pitiful look. “Ang rancho ay wala sa pangalan ng Papá mo o’ maging sa Lola Ofelia mo, Ylona. Kundi nasa adopted son ng iyong grandparents. Nasa pangalan na ni Mr. Nigel Del Cid.” Lumalim ang gatla sa noo niya. “P-paanong nangyari iyon?” “I hate to say this to you pero pag-aari ng ama ni Alfonso ang rancho na kinalakihan mo. And when your grandfather died. He deeded the rancho to his adopted son.” wika nito habang ibinalik sa briefcase ang mga dokumento. Ni hindi makahagilap ng sasabihin si Ylona. Kung magtatagal pa siya roon ay baka bumunghalit na siya ng iyak sa harap ng attorney. She stood up and said goodbye. “Kung may maitutulong man ako sa ‘yo ay sabihin mo lang, Ylona.” may kabutihang wika ng abogado. “M-maraming salamat, Uncle Johnny,” paalam niya. Ngunit sa pagtalikod niya tungo sa pinto ay umikot ang pakiramdam ni Ylona at gustong magdilim ng kanyang paningin. Subalit nakarating siya sa pinto at napahawak nang mahigpit sa doorknob. “Are you all right, hija?” No, I am not! She wanted to yelled, physically and emotionally. Pero hindi niya kayang tagalan ang nahahabag na tingin sa kanya ng attorney. Ayaw niyang kinaaawaan siya ng mga taong nasa paligid niya lalo na ngayon mag-isa na lang siya. “Not at all but, I . . . I will be, Uncle Johnny,” wika niya nang hindi lumilingon at pagkatapos ay binuksan ang pinto at nagmamadaling lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD