Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko at ang huling naalala ko lang ay matapos akong halikan bigla ni Jonathan ay umalis na sila pero nanatili si Jace at may tinurok saakin dahilan para mahimatay ako at ilang beses pa iyong nangyari hanggang sa sumuko na siya dahil nag-iiba na ang reaksyon ng katawan ko. Psh sabi naman kasing tigilan na eh. Nang ilibot ko ang paningin ko ay parang familiar saakin ang lugar na ito at nang marecognize ko ng maayos ang buong lugar, teka? ito yung kwarto ko sa mansion ni Kuya Matt, paano ako napunta dito? Tinignan ko ang orasan sa tabi ko alaskwatro palang ng madaling araw kaya agad akong bumaba at hinanap ko sina Kuya Matt, Red at Knox pero wala sila sa kwarto nila. Agad naman akong nagtungo sa music room at doon ko silang nakita lahat; sina Zian, Sam, T

