As always nasa classroom lang kami ngayon matapos ang naging pag-uusap namin ni Aaron ay mas pinili niyang wag na muna sabihin iyon sa mga kaklase namin na mas pinili nalang din manahimik at pagaanin ang kalooban ni Aaron kesa mangulit pa because I know that they knew na once ready at kaya naman na magsabi ni Aaron ay sasabihin niya sa kanila ang nangyari but I doubt na wala pa silang hint dahil masyadong matunog sa social media ang nangyari sa company ni Aaron. By the way nasabi ko na bang friday na ngayon? so walang pasok bukas which is a good thing dahil makakatakas nanaman ako sa bunganga ng mga unggoy na ito na dada ng dada although kahit pa anong mangyari ay hindi talaga kami magkikita maliban nalang ni Aaron dahil sa meeting sa New York bukas. Nakaupo lang ako habang naghihintay

