Maaga akong gumising dahil may mga tao akong maagang aasahan na darating ngayon, paglabas ko ng kwarto ko ay tulog pa silang lahat pero dahil kailangan sunduin ang mga bitchesa ay ginising ko ang mga hinayupak kong boy bestfriends para sila na ang sumundo. "Wake up you morons" yugyog ko sa apat na magkakatabi pang natulog. "Ang aga-aga pa queen" reklamo ni Red. Aba't nag rereklamo pa huh? agad kong hinila ang unan nila dahilan para masubsob sa kama ang mga mukha nila. "Don’t make me repeat my words" cold kong sabi na agad naman nagpatayo sa apat na unggoy, bwisit talaga kailangan pa takutin eh pasalamat talaga tong mga to mahalaga sila sakin kung hindi baka pinugutan ko na ito ng ulo. "Joke lang queen hihihi" sabi ni Troy sabay peace sign tsk. Walang itinatanda ang mga loko

