Nauna akong nakarating sa conference hall kung saan gaganapin ang meeting kesa kay Aaron, sinadya ko ito dahil may kailangan muna akong asikasuhin na hindi na niya kailangan pang malaman dahil ayaw kong pangunahan siya ng galit sa mga malalaman although recorded naman ito at pwede rin niyang panoorin pagkatapos ng lahat. “Let us all welcome the CEO of HF Inc., Ms. Hela Frau” sabi ni Dixie na dahilan upang magsitayuan lahat ng nasa loob ng hall. Kasunod ko naman si Fablo papasok ng hall at dalawa ko pang bodyguard. Yumuko silang lahat samantalang ako ay dina nag-abalang magsalita pa at dumiretso na sa upuan ko dahil paniguradong mauubusan rin naman na akong laway mamaya. Hindi pa nakakaupo ang lahat ng biglang bumukas ulit ang pinto at niluwal ang pamilyang unang hinanap ko pagpasok ko p

