Mabilis na nalabanan nila Rance at ng iba pa niyang mga kasama ang mga tauhan ni Furikan na sumugod sa condominium na pinaglipatan kay Kurt. Pagkatapos ay agad na silang naghiwa-hiwalay papunta sa iba't ibang establishments ng mga Stavrou para simulan ang paglalaliyab sa lahat nito. "Huwag na mag-alanganin na pumatay kung may humarang man sainyo" sabi ni Rance sa mga dala niyang tauhan "Pero po sabi ng reyn—" hindi na natuloy nito ang sasabihin ng lingunin sila ni Rance. "That's according to what the Queen said" seryoso niyang sabi na nagpalunok naman sa mga tauhan nito dahil sa takot. "Bakit ka pa kasi nagsalita?" Saway ng kasamahan nito sa lalakeng nagsalita kanina. Hindi lang naman nito napigilang huwag magtanong dahil nga sa utos ni Hela sa lahat ay iwasan ang pagpatay kung a

