Ilang oras lang ng makabalik kami ng room ay tumunog narin ang bell hudyat na dismissal na kaya nauna na akong bumalik ng dorm dahil pupunta daw muna sa field ang mga unggoy, magpapapawis daw kaya hinayaan ko nalang din dahil hindi naman siguro sila maghahanap ng gulo kung hindi papatayin ko talaga sila. Papalapit na ako sa dorm ng makita ko ang limang mga lalake at dalawang babae na nakatayo sa labas nun. “What are you still doing here?” tanong ko ng makalapit ako sa kanila “Humingi kami ng pabor kay Tito na kung pwede dito na muna kami magpapalipas ng gabi and he agreed” paliwanag ni Rance. Bigla naman ako nabuhayan ng loob sa narinig, tila nawala yung kanina lang na bigat na nararamdaman ko. Pumasok na kami ng dorm at dumiretso sa sala kung saan kami nag-usap usap habang kumakain.

