Kakatapos ko lang maligo at agad din nagbihis dahil baka malate ako. Nang matapos ko lahat ng kailangan kong gawin ay agad na akong lumabas. Paglabas ko ang tahimik ng buong kwarto dahil wala na ang mga unggoy, iniwan ba naman ako tsk mga walang pakialam talaga yung mga gagong yun. lalabas na sana ako ng may marinig ako sa kusina. Hindi na ako nag dalawang isip na sumilip doon dahil baka may kung anong nakapasok sa kwarto namin at nagulat ako sa dinatnan at nakita ko. "Bakit? fvck ano ba ang naging kasalanan ko para kunin mo silang lahat saakin?" napatakip ako ng bibig ng marinig ang mga sinabi niya, may nangyari bang hindi maganda? Nakita ko namang kinuha niya lahat ng klase nag kutsilyo na meron kami sa kusina at nakita ko ring dumudugo ang kamay niya dahil sa higpit ng pagkakahawak n

