Nasa loob na ako ng room at kanina pa ako naiirita sa paraan ng pagtingin ng mga unggoy na 'to saakin. Alam niyo kung nakakatunaw lang ang tingin baka kanina pa ako lusaw dito. Ano ba ang problema ng mga bwisit na 'to? Isa isa ko silang hinarap at tinignan pero bigla naman sila umiwas ng tingin saakin at tumingin sa kandadong nilagay ko sa pinto. "What?" bored kong tanong, humarap naman sila saakin maliban nalang sa groupo ni Jonathan na may sari-sariling mundo. "Ah ano kasi pangit na leader palabasin mo kami please?" sabi ng isa kong kaklase. Tinaasan ko naman sila ng kilay na minsan ko lang gawin. "Why would I?" walang gana kong tanong sakanya. "Kasi kailangan naming pumunta sa drag race na 'yon ngayon. Hinamon kami ng ibang section kailangan nandun kami at may lumaban sa section na

