CHAPTER 3 - OUCH! WASAK

1770 Words
PARUH SHAH Kanina pa sigaw ng sigaw at panay mura habang pinupokpok ang pinto ni Paulo. Nagbabakasakaling may mapadaan doon at may makarinig. Sa sobrang inis nito ay halos sipain na nito ang pinto. "T*ng ina talaga!" mura pa nito. "Alam mo ikaw talaga ang malas sa buhay ko eh," sabi nito ng bumaling sa akin. "Hala! Ba't ako? Bakit naging kasalanan ko?" pagtataka ko. "Kung hindi ka kasi nagtititili kanina baka hindi nabulabog ang mga multo dito. Ayan tuloy nagalit sila." sabi nito. "Eh, anong gagawin ko eh takot ako sa daga. Sobrang laki kaya nun." "Ang duwag mo naman. Daga lang iyon, mas malaki ka pa din." "Eh, di ikaw na ang matapang," naiinis kong saad dito. Hindi ko alam na medyo maangas pala ang ugali ni Paulo gaya ng sabi ng iba pa naming katrabaho. Nung una ay ayoko talagang maniwala. Kasi mukhang hindi naman at malayo sa personalidad nito. Isa pa di naman kami nagkakasama. All the time ay nasa dining ito at ako ay nasa dispatching area lang. Pero mukhang mali nga ako. Di ko pa yata talaga siya kilala. Ang totoo nitong ugali at pagkatao. First time ko siyang makasama at makausap ng ganito kalapit at katagal. But this is not what I expected to happen. Mukhang palpak ata ang plano ni Avril na ikulong kami dun. Akala ko pa naman ay magkakaroon kami ng romantic moment together. Umasa pa naman ako na baka sakali ay maging malapit kami at maging okay ang pakikitungo nito sa akin. Pero parang malabo yata iyon. Malayong-malayo sa mga ine-expect kong mangyayayre. "Oo, naman. Saka puwede ba wag na wag mo 'kong tinatawag na Bhe. Hindi mo ako bebe. Nakakasuka!" anito na parang diring-diri. "Fine, 'yun lang naman pala eh. Alam mo sa totoo lang sawang-sawa na din akong paamuin ka. Nakakapagod na ding makuha ang loob mo. Sinusubukan kong maging malapit sa'yo pero wala eh. Hindi ko alam kung bakit ganun ka na lang makaiwas sa akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan kita," medyo mahaba at emosyonal kong sabi. Napahid ko ang namuong luha sa gilid ng mata ko. "Bakit sinabi ko bang magkagusto ka sa akin? Ikaw lang 'tong ayaw tumigil," anito. "Kasi nga gusto kita, Paulo. Mahirap ba 'yung intindihin? Ni hindi mo nga ako kinakausap. Ni ayaw mo rin akong pansinin. Ni tignan at ngitian parang kailangan ko pang magmakaawa sa'yo. Andamot mo!" Tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sama ng loob ko dahil dito. "Hindi kita gusto, okay?" mariin nitong sabi. Straight forward at walang paligoy-ligoy. "Bakit? Dahil ba panget ako? Dahil mukha akong bakla? Ganun ba 'yun, Paulo?" umiiyak kong tanong. "Oo, kaya lumayo-layo ka na. Wag na wag mo na akong tawaging bhe. At wag ka nang umasa na magugustuhan kita. Hindi ikaw 'yung tipo ko. Kaya please lang tumigil ka na at gumising ka na diyan sa ilusyon mo." "Kunsabagay tama ka naman. Siguro nga nag-i-ilusyon lang ako. Ambisyosa nga siguro ako dahil naghangad ako ng tulad mo. Pasensya ka na dahil hindi maganda ang nagkakagusto sa'yo. I'm sorry for loving you, Paulo. Mali pala ako. Mali pala ang pagkaka-kilala ko sa'yo. Mas mabuti na rin 'to atleast alam ko na at nagising na din ako sa katotohanan na pare-pareho lang kayo. Ganda lang ang sukatan niyo para mahalin ang ibang tao. Sino ba naman nga kasi ako para mahalin? Para pag-aksayahan ng panahon? Isa lang akong panget na palaka na umaaasa sa isang imposible," mahaba kong sabi. Wala na akong narinig na reaksyon mula kay Paulo. Tahimik lang itong nakasandal sa pinto at nakatingin sa akin. Umiyak lang ako ng umiyak. Kailangan kong mailabas iyon. Atleast ngayon alam ko na hindi siya worth it. Hindi siya deserving sa pag-ibig ko, ng panahon ko at lahat ng effort ko. Ako lang 'tong umaasa na mapapansin niya ako. Magiging okay din ako. Not now but soon. Kalahating oras yata kaming nandoon. Walang salitaan. Tuloy lang ako sa paghikbi. Samantalang si Paulo ay tahimik lang din na nakasandal sa pinto. Napatigil ako sa paghikbi ng marinig kong may nagbubukas ng pinto. Napadako ang tingin ko doon. Umalis si Paulo doon at tumabi. Saka tuluyang bumukas ang pinto at pumasok ang liwanag mula sa hallway. Kasunod niyon ay tuluyan na ding lumiwanag ang buong stockroom. Pumasok si Avril. "Bakla! Okay ka lang?" tanong nito ng makita ako. "Ba't ka umiiyak? May nangyare ba?" Bumaling siya kay Paulo. "Anong ginawa mo sa kanya?" Sabay tingin ng masama dito. "Wala akong ginagawa sa kanya," tanggi nito at nagmadaling lumabas ng stockroom. Dinaluhan ako ni Avril. Inakay patayo. "Ayos ka lang ba? May ginawa ba siya sa'yo?" muli nitong tanong. "Wala," mahinang sagot ko at pinahid ang mga luha ko. "Oh, ba't umiiyak ka?" "Natakot lang ako," pagsisinungaling ko. "Akala ko kung ano nang ginawa sa iyo ni Paulo?" "Wala. Okay lang talaga ako. Wag na natin siyang pag-usapan. Mabuti pa tulungan mo na lang ako sa pag-i-imbentaryo. Hindi ko pa natapos eh," pag-iiba ko. "Tara na! At baka lumabas na 'yung mga bata dito. Ayoko silang makita." Si Avril at pinulot ang nalaglag na clip board. Sumunod na din ako sa kanya para matapos na ang naudlot kong ginagawa kanina. PARUH SHAH "BESHY, dahan-dahan lang naman. Para ka namang nagmamadali eh," paalala sa akin ng bff kong si Janzy. Isa siyang Mayla sa gabi - may lawit na kasama ko din sa trabaho at isa naman itong kahera este kahero. Siya ang pinaka-close ko sa lahat. Magkalapit kasi kami ng probinsya kaya siya agad ang una kong naging ka-close. Halos magkasabay lang din kaming nagsimula sa Something Foodie. Kaya agad na nag-click kami as bff as in baklang feeling may fefe. Though babae naman talaga ako mukha lang bakla. Samantalang siya naman ang bakla at nagfe-feeling babae. Siya ang palagi kong kasama sa galaan at kung saan-saan kami nakakarating na dalawa basta pag trip namin. Pareho kasi ng day off at schedule kaya palagi kaming naglalakwatsa. I remember Baguio ang pinaka-malayo naming narating na walang kaplano-plano. Naisip lang namin iyon kaya ayun later on andun na kami sa terminal ng bus sa Cubao. Kasalukuyan kaming nasa isang bar sa Eastwood at pasado twelve thirty am na. Kanina pa kaming andoon. Actually naka-isang bucket na kami ng San Mig Apple. Hindi naman iyon nakakalasing pero pag nasobrahan nasa huli ang epekto. Hindi naman kami umiinom pero gusto ko malasing baka sakaling makalimot. After kong mag-out sa work ay saktong pa-out na din ito. Rest day naming pareho bukas kaya niyaya ko siyang uminom. Kailangan ko lang itagay ang sakit ng nadarama ko. Ang sawi at sugatan kong puso. Ganun pala talaga ang pakiramdam pag tinanggihan ka ng taong gustong-gusto mo tapos walang gusto sa'yo. Kung ang iba pag ganun ay tinatawag na na-friendzoned. Pero sa case ko hindi ko alam kung anong tawag. Hindi naman kasi kami friends. Magkatrabaho lang kami. Dagdagan pang ang panget ko pa. Pwede na siguro ang na-Chakazoned since iyon naman ang reason kaya di niya ako magustuhan. T*ing ina di ba? Ang saklap. Kaw ba naman ang magkaroon ng ganitong mukha? Ewan ko lng kung may papatol at magkakamaling magmahal sa'yo. Kung meron man baka malabo ang mata or worst bulag iyon. Ayoko na ring umasa pa. Ang sakit eh! Kaya gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak ngayon baka sakaling maibsan ang sakit na nadarama ko dito sa dibdib ko. "Pabayaan mo 'ko, beshy. Uminom ka lang diyan," sabi ko at tinungga ang bote ng alak. "Besh, lasing ka na. Tama na 'yan. Ayokong magbuhat mamaya magka-muscle pa ako," anito. Napatingin ako kay Janzy. "Sinong bang bubuhatin?" tanong ko. "Ikaw," sagot nito. "Kurutin ko 'yang tingle mo eh. Hindi pa ako lasing, Besh. Saka San Mig Apple lang 'to." "Bakit ba kasi at bigla kang nag-aya na mag-inom?" "Wala! Gusto ko lang," pagsisinungaling ko. "Tigilan mo nga ako. Sabunutan kita eh. Imposible 'yan. Alam ko may problema ka. Kaya spill it out. Dali! Remember bff mo 'ko kaya okay lang mag-share at lalong wala kang maitatago sa akin." Tinungga ko muna ang huling laman ng boteng hawak ko saka inilapag sa lamesa. Tuluyan na akong napa-hagulgol muli. Bumalik na naman kasi sa utak ko ang mga binitawang salita ni Paulo kanina sa akin. Napayakap ako kay Janzy. Tinodo ko na ang iyak ko. Mabuti na lang at andiyan ito. Hinaplos niya ang likod ko bilang suporta. "Sige lang iiyak mo lang 'yan. Mukhang alam ko na ang dahilan ng pag-aaya mo ngayon. Si Paulo di ba?" tanong nito. Tumango ako. Hindi ko na kailangan pang magkwento ng detalye dito sapagkat alam na niya ang lahat ng kabaliwan ko pagdating kay Paulo. Sa kanya ko unang sinabi na may gusto ako kay Paulo at supportive naman ito sa lahat ng mga ginagawa ko. "Bakit ganun, Besh? Ang unfair ng mundo. Porke ba panget ako wala nang magkakagusto sa akin? Wala na ba akong karapatan na maging masaya? Hindi na ba ako pwedeng magustuhan ng taong gusto ko? Bakit ganun? Lahat na lang panlabas na anyo lang tinitignan nila. Di ba ako deserving na mahalin?" Umiiyak kong tanong. Tuluyan akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Janzy. "Hindi naman sa ganun, Besh." "Then bakit? Sagutin mo 'ko. Bakit ganun?" Hindi na nakasagot si Janzy. Maski ito ay hindi rin alam ang isasagot sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko sa mata. Pinilit kong tumigil sa pag-iyak. Muli akong nagbukas ng panibagong bote at tinungga iyon. "Besh, last na 'yan ha?" Si Janzy. "F*ck you silang lahat. Lalong-lalo na 'yang Paulo na 'yan. Kala niya gwapo siya. Ulol! T*ng ina niya. Ingudngod ko pa siya eh," pagmumura ko sa sobrang galit. "Go, Besh! Wooh! Ang fierce mo diyan. Ganyan dapat. Kalimutan mo na siya. Laban lang." "Gaga! 'Yan talaga gagawin ko at kailangan mo 'kong samahan," sabi ko sa kanya. "At saan naman aber?" tanong nito. "Where do broken hearts go?" Nanlaki ang mata ni Janzy. "No way. Sagada? Ang layo no'n." kontra nito. "Hindi do'n." "Eh saan?" "Bataan," sagot ko. "Bataan? San mo na naman 'yan napanood? Pagkakaalam ko kasi Sagada lang ang puntahan ng mga taong sawi para makalimot. Mt. Kiltepan to be exact. 'Yong magsisigaw ka dun katulad ni Mace sa That Thing Called Tadhana." "Bago 'to napanood ko sa movie ni Alex Gonzaga na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka. Kailangan kong makarating doon. Kailangan kong makalimutan si Paulo." "Anong gagawin mo dun?" tanong ni Janzy na mukhang nag-aalangan at hindi kumbinsido. "Basta! Kailangan mo 'kong samahan sa ayaw at gusto mo." "Pero?" "No if's. No but's. Just say yes. Period." "Amm... okay?" napilitan nitong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD