"Kayo na muna ang bahala dito, ha? May kailangan lang akong asikasuhin..." wika ni John matapos niyang maghugas ng kamay. Katatapos lang nilang kumaing tatlo. Hindi siya gaanong kumain ng madami dahil balak niyang yayaing kumain sa labas si Shayne. Sisimulan na niya ang panliligaw sa dalaga at wala ng makakapigil pa sa kaniya. "Sige lang, boss! Enjoy!" nakangising sabi ni Kyle. "Enjoy lang, boss! Sana maka- score ka! Joke lang!" sabi pa Rey. Nakangiting iniligpit ni John ang mga gamit niya. Agad siyang umalis dahil kayang - kaya naman iyon ng dalawa. Kailangan niyang magmadali dahil maliligo pa siya. Sinilip niya ang store ni Shayne ngunit wala pa doon ang dalaga. Sa tingin niya baka gabi pa ito magpupunta doon. Mabilis ang naging lakad ni John patungo sa kaniyang bahay. Pagkapasok ni

