Tinitigan ni Shayne si Ava. Kitang - kita niya ang inis sa mukha nito lalo pa't proud siyang ipinakilala ni John sa mga tao doon. Halata sa mukha ni Ava ang matinding selos. Akala yata ng babaeng ito mabait ako. Hindi niya alam, nagkagusto rin ako sa lalaking ayaw sa akin at gumagawa rin ako ng kalokohan. "I'm sorry, baby boy kung medyo busy ako ngayon. Alam mo naman, nag- boom ang business ko kaya marami akong inaasikaso," maharot na sabi ni Shayne. "Wooh! Sana all baby boy! Ako kaya kailan magiging baby boy?" pang aasar ni Kyle. "Natawa ako noong maalala ko na itinanggi pa ni boss hindi niya kilala si ma'am Shayne pero ito pala ang first love niya!" dagdag pa i Rey. Pinagbabatukan sila ni John. "Manahimik nga kayong dalawa diyan! Ang lalakas niyong mang- asar!" "Hayaan mo na sila.

