"John...." Kumunot ang noo ni John nang tawagin siya ni Shane sa kaniyang pangalan. Alam niyang may problema ang kaniyang nobya kaya agad niya itong nilapitan. "Bakit po, my sunshine? May problema ba?" malamyos ang boses niyang sabi. Nangingilid ang luha ni Shayne habang nakatingin sa gwapong mukha ng kaniyang nobyo. Hindi niya maatim makita ang sugatang mukha ni John kung sakaling saktan ito ni Edgar. "Talaga bang.... m- mahal mo ako?" garalgal ang boses niyang sabi. Nagsalubong ang kilay ni John. "Ano ba namang klaseng tanong iyan? Syempre, mahal kita. Mahal na mahal. Bakit mo naitanong iyan?" Kinagat ni Shayne ang kaniyang pang ibabang labi. "Mahal mo pa rin ako kahit hindi ikaw ang nakauna sa akin? Kahit may ilang lalaki ng gumalaw sa akin? Kahit madumi na akong babae?" Huminga

