"John! Puwede ba kitang makausap?" sabi ni Ava nang makita niya ang binata. "Tungkol saan?" Napalunok ng laway si Ava. "Tungkol sa.. sa inyo no'ng babae. Nagkabalikan na ba kayo?" "Hindi pa. Nililigawan ko pa lang siya. Pero naniniwala ako na magiging kami na talaga. Ramdam ko na mahal niya ako..." nakangiting sabi ni John. Tila punyal na tumusok sa puso ni Ava ang katagang iyon. "Ha? Paano mo naman nasabing mahal ka niya? Paano kung may iba pala siyang lalaki?" Umiling si John. "Wala siyang ibang lalaki. Ako lang ang lalaki niya." Asar na ngumisi si Ava. "Ang taas naman ng kumpiyansa mo sa sarili, John. Baka magulat ka na lang, may lalaki na siyang kasama isang araw. Nabalitaan ko na mas matanda pala siya sa iyo. Paano kung maakit siya sa kaedad niyang lalaki? Ano ang gagawin mo?"

