"Baby boy, hindi ako komportable sa kaibigan mong si Ava. Kitang- kita ko sa mata niya ang pagnanasa niya sa iyo. May gusto siya sa iyo," sambit ni Shayne habang nagluluto ng kanilang almusal. Sa kaniyang unit kasi natulog si John. At buong magdamag silang gumawa ng mainit na pagsasalo. Kaya naman pagkagising nila ng umaga, gutom silang parehas. "Wala naman akong pakialam sa kaniya. Kahit sobrang mahal niya pa ako, hindi ko siya papansinin. Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba. My sunshine..." malanding sabi ni John. Ngumisi si Shayne. Inasikaso na niya ang kanilang almusal. Tinulungan siya ni John na ilagay ang mga plato at kutsara sa mesa. "So... nasabi ko na rin sa iyo ang tungkol sa kaniya, paano kapag nagbida- bida siya? Iyong nangangarap siya ng gising. Ayos lang ba sa iyo na pa

