PART 3

1736 Words
SUE's POV... . . . "Excuse me. Did you see, Jaroh?" tanong ko sa kaklase ko na aking nakasalubong. Nga lang ay tulad ng mga napagtanungan ko na kanina ay umiling lang din siya. "Asan na kaya 'yon?" nakalabi kong tanong sa aking isipan habang palinga-linga ako sa paligid. Kanina ko pa kasi hinahanap si Jaroh. Ang loko, in-scam na naman ako. Sabi niya ngayon niya ako ipapakilala kay Edz Mylabs ko pero hindi ko pa siya nakikita, kahit ang anino niya wala. "Humanda ka sa aking, bayot ka!" inis ko na sabi sa sarili ko. Bayot ang tawag ko kay Jaroh kasi hanggang ngayon wala pa siyang nagiging girlfriend, ni niligawan ay wala rin, kung kaya pang-asar ko sa kanya ang word na 'Bayot'. But of course, alam ko naman na hindi siya bakla. Si Jaroh, bakla? Impossible. Kilala ko ang best friend ko na 'yon. Kahit brief niya walang kulay pink or violet kaya sure ko na lalaki siya. Ang guwapo kaya ni Jaroh at ang kisig. Mahilig mag-gym. Favorite niyang sport at basketball. Favorite niyang color black. Favorite niyang panoorin ay mga mga barilan at katatakutan. Kaya paano siyang magiging bakla? Ever since wala akong nakita na sign na isa siyang bakla. Kapag tinatawag ko nga siyang bayot ay asar na asar siya. "Emily, nakita mo ba si Jaroh?" tanong ko na naman sa nakita kong classmate ko. Sa kanila ako nagtatanong kasi sila ang alam ko na nakakakilala kay Jaroh. Lahat kasi ng classmate ko at classmate ni Jaroh ay alam na mag-best friend kami. Actually, akala nila noon ay magjowa kami ni Jaroh. Yuck! "Hindi, eh," sagot ni Emily. Napakamot ulo ko. Napapagod na ako, eh. Lahat na yata kasi ng parte ng Sanchi University ay napuntahan ko na. Naghanap pa ako nang mapagtatanungang studyante. At si Brix ang nakita na next ng aking mga mata, one of Jaroh's classmate. Mas matanda ng isang taon sa akin si Jaroh, kaya nasa 3rd Year na siya. Ako naman ay 2nd Year. Parehas BS in Nursing ang kurso namin dahil same kami ng pinagdaanan ni Jaroh na namatay ang mga mother namin dahil sa sakit. Naikwento sa akin noon ni Jaroh na namatay ang Mommy niya dahil sa sakit na cancer. At humanga raw siya noon sa dedikasyon ng mga nurse na nag-asikaso noon sa kanyang mommy, kung kaya ang Police na pangarap niya ay naging nurse. Gano'n din sa akin, dahil kay Mama kaya ko gustong mag-nurse. Gawa ng mga kwento sa akin ni Papa na siya raw ang nag-alalaga kay Mama kapag sinusumpong si Mama sa sakit niya sa puso. Naisip ko noon na sana malaki na rin ako noon para naalagaan ko rin si Mama. Nagi-guilty pa ako na dahil sa akin ay nawala si Mama. Namatay si Mama noong isinilang daw ako. Pinilit kasi ni Mama na ipanganak pa rin ako kahit bawal dahil sa sakit niya. "'Andon 'ata sa coffee shop. Sabi niya kasi kanina nagugutom siya. Niyaya niya ako pero busog pa kasi ako," sagot sa akin ni Brix. "Okay. Thank you," tipid na sabi ko lamang sabay yukod konti. Tapos ay tinalikuran ko na siya para magpunta sa coffee shop. Sa lawak ng Sanchi University ay kumpleto na rito. No need na na lumabas ng campus para maghanap ng istablesyamentong kailangan mo. Dahil sa totoo lang, school ito ng mga anak ng may kaya at matatalino. Private school siya na pinapangarap ng madaming estudyante pero kadalasan hindi afford ng kanilag parents. Na kung siguro ay walang mataas na rangko si Dad sa pagiging police niya ay wala rin ako rito. "GF na ba siya ni Jaroh?" Umabot pa sa pandinig ko na tanong ng isang babaeng studyante rin kay Brix. Napatigil tuloy ako sa paglakad. Mukha ba akong girlfriend ni Jaroh? 'Di naman, ah? Mukha nga akong bunsong kapatid ni Jaroh, eh. "Nah, best friend lang siya ni Jaroh," sagot ni Brix. Buti na lang. "Weh? If I know sila rin ni Jaroh ang magkakatuluyan. Like sa mga mag-best friend sa mga novel na nababasa ko," sabi pa ng babae. I rolled my eyes. Ang cliché niya, ah. Dapat yata ay may mag-recommend sa kanya ng ibang novel na hindi cliché. Iyong may plot naman na ang mag-best friend naman ang nagtulungan para makahanap sila ng kanilang kanya-kanyang love life, mga ganern. At dahil sanay na ako sa mga gano'ng naririnig ko about sa amin ni Jaroh ay dinedma ko na lang siya. Tinuloy ko na ang pagpunta ko sa coffee shop, dahilan para hindi ko na narinig ang sinagot ni Brix sa babae. Pero kasi ay paliko ang way papunta sa coffee shop kaya napatingin pa rin ako sa dako nina Brix. Halatang ako pa rin at si Jaroh ang pinag-uusapan nila ng babae dahil sa akin pa rin din sila nakatingin. Sinusundan nila ako ng tingin. What the fudge?! Napangiwi ako. Seryoso ba sila? Ano kayang nakain nila at naiisip nila ang bagay na gano'n? Hindi ba sila kinikilabutan na gawan kami ni Jaroh ng issue gayung kitang-kita na magkapatid lang naman ang turingan namin sa isa't isa? Lahat na lang kasi ay gano'n ang sinasabi. Na kesyo sa bandang huli ay kami rin daw ang magkakatukuyan. Ayaw lang daw namin umamin na gusto namin ang isa't isa.  Yay! Nahimas-himas ko ang mga braso ko. Ako ang kinikilabutan sa kanila, eh. Kung hindi ko ikakamatay ay bubuksan ko ang puso ko sa harap nila para makita nila na hindi si Jaroh ang tinitibok nito. Para magtigil na sila. Wala kasi silang alam na si Edz, na si Edson Manzano ang pinipitik ng puso ko. Na si Edz talaga ang crush ko noon pa. Ang ngiwi ko ay napalitan ng kilig. Iniisip ko pa lang si Edz ay kinikilig na ako. Excited na ako na magkakilala kami ng formal. Sapagkat naniniwala ako na kapag magkakilala na kami ay magiging close rin kami sa isa't isa, tulad nila ni Jaroh. At pagkatapos ay mahuhulog na rin ang loob niya sa akin. Tapos ay magtatapat siya. Tapos liligawan niya ako. Tapos ay magiging kami na. Tapos ang ending ay magpapakasal kami. Ayiee! Lalo akong kinilig. Mas binilisan ko pa ang lakad para makita ko na si Jaroh, dahil si Jaroh ang susi para mangyari ang mga ini-imagine kong mga iyon. Si Jaroh lang na parang wala yatang balak na magpakita sa akin sa araw na ito dahil wala ring balak na tuparin ang pangako niya sa akin. Subukan lang niya. Maasim ang mukha kong pumasok sa coffee shop Agad kong nakita si Jaroh. Tahimik at mag-isang kumakain ng burger ang bayot sa sulok. Isa pang kinaiinisan ko na ay hindi man lang niya ako niyaya. Ayos, ah! Lalapitan ko na sana siya nang bigla ay napaisip ulit ako. Kinapa ko ang didbib ko habang nakatitig ako sa kanya. Aaminin kong guwapo nga si Jaroh. He's perfectly handsome. Matangos ang ilong, maliit ang labi, makapal ang kilay at V-shape ang mukha niya. Malinis din siya sa katawan at maporma. Actually, isa siya sa campus crush dito sa Sanchi University maliban sa isa siya sa varsity player ng basketball team. Madami nga ang nagpapa-cute sa kanya. Ang alam ko nga madami akong bashers dahil sa kanya, eh. Dahil best friend kami. Okay lang naman sa akin if kami nga ang magkatuluyan sa huli. Ang kaso ay kaibigan lang talaga ang nakakapa kong nararamdaman para sa kanya, tulad ngayon. Kaya imposible talaga na kami ang magkakatuluyan sa bandang huli. Bahagya ko munang sinampal-sampal ang sarili kong mga pisngi para magbalik sa normal ang lahat sa akin. Sinabi ko sa sarili ko na tama na ang kapraningan at tama na ang pagpapaapekto ko sa sinasabi ng mga tao. Saglit ay ang haba ng nguso ko na lumapit na kay Jaroh. "Oh? Wala ka ng klase?" tanong agad niya nang umupo ako sa tapat niya. Maang-maangan ang bayot. "Wala na," magiliw kong sagot. Kinuha ko ang drink niya at nakiinom muna bago ang lahat. Namilog tuloy ang mga babae sa kabilang table. Hindi ko alam kung mga nainggit o nainis sa aking ginawa. "So, ano na?" tanong ko kay Jaroh. Deadma ulit ako sa mga babae. "Anong ano na?" Napakunot-noo naman si Jaroh. Ibinaba niya ang kutsara at nagpunas ng bibig. Nagpangalumbaba ako. "'Yung sinasabi ko sa'yo?" "What is it?" "Aisst! Are you ulyanin na ba?!" "Ano nga iyon?" Parang tamad na tamad siya na isinandal niya ang kanyang likod sa kanyang kinauupuan. Ang sarap tusukin ng tinidor ang mga mata, eh "Yung sabi ko ilakad mo ako kay Edz," nakabusangot ko nang pagpapaalala sa kanya. Bigla namang naubo si Jaroh. Nabulunan yata o OA lang na reaksyon niya. "May gano'n? Gulat-gulatan?!" Iningusan ko siya "Binigla mo kasi ako, eh." "Nabigla ka pa sa lagay na 'yon?! Eh, usapan nga natin 'yon. Nangako ka pa nga." "Wala kang sinabi na ilalakad kita kay Edz." Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ang sabi mo ipapakilala lang kita." "Gano'n na rin 'yon," giit ko. Ginaya ko rin siya. Pinanlakihan ko siya ng mata. At dahil medyo singkit siya dahil may lahi siyang Koreano ay mas malaki ang mga mata ko kaysa sa kanya. "Walang gano'n dahil ang sabi mo lang magpapa-picture ka sa kanya." Maang-maangan niya pa rin. I laughed sarcastically. "Guwapo ka sana kaso ulyanin ka. Buti tuso ako. Wait!" Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at may plinay akong video. Ang record nang usapan namin noong nakaraang gabi. Siya naman ang napangiwi, pahiya siya. "Ano? Ide-deny mo pa?" hamon ko sa kanya. Umasim ang mukha ni Jaroh. Hindi ko alam kung anong iniisip niya habang nakatingin siya sa akin. Malamang ilang beses na niya akong sinakal sa isip niya. Aba, sa panahon ngayon madami nang scammer kaya naniguro ako. Hindi niya ako mauutakan. "So, kailan? Saan? Anong oras mo ako ipapakilala kay Edz Mylabs ko?" Biglang tayo si Jaroh. "Ewan ko sa'yo," at aniya saka sinukbit na ang backpack sa likod. Ang bilis tumalilis. "Oy! Kinakausap pa kita!" Natarantang sumunod ako sa kanya. Muntik ko pang matabig ang mga pinagkainan niya sa lamesa. Ang bilis ng lakad ni Jaroh. Tumakbo pa. Tumatakas. "Oy, antay!" Habol ko pa rin sa kanya. "Ang suplado mo..." At sigaw ko sana kasi biglang humina ang boses ko dahil napakapa ako sa dibdib ko. "Sue!" Patakbong bumalik si Jaroh nang napansin niyang inaatake na naman ako ng traydor kong sakit........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD