NAKARATING sila ng la union before 12 noon, kaya kumain muna sila dahil nagutom na din talaga siya. napangiti siya ng hinimayan siya ng isda ni krelton at nilagay ito sa plato niya. magana naman ang pagkain niya. natapos sila at dumeretso sila sa bahay niya, buti nalang hindi masyadong malayo sa school ni krelton at sa bahay niya hindi din naman niya masasabing malapit, sakto lang ang layo dahil may kotse naman silang dala. lumawak lalo ang ngiti niya ng makarating sila sa bahay, na miss niya ito minsan lang siyang dumalaw dito pero may taga linis naman kaya hndi napapa bayaan. " magandang tanghali ma'am ivy, kamusta po ang byahe? " salubong sakaniya ni manang vilma, tinulungan siya nito sa gamit niya. " okay naman po, si krelton nga po pala " pagpapakilala niya kay krelton " ay ito b

