SHE woke up when she felt a warm arms around her waist. Napadilat siya at bumungad sakaniya ang puting damit na suot suot ng binata. Nakasiksik siya dito at nakaakap din. Napapikit siya ng gumalaw ito, bigla siyang nataranta at hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung tutulakin niya ba ito o aalis sa yakap nito na parang wala lang. Hinapit siya nito lalo at niyakap, ang mukha niya ay naka dikit na sa dibdib nito. Rinig na rinig niya ang t***k ng puso nito. She suddenly feel emotional. She bit her lips, parang may bumara sa lalamunan niya. Biglang gusto niyang umiyak. Ang mainit na yakap nito na pakiramdam niya lagi siyang ligtas. Parang bumalik sakaniya ang masasaya nilang pagsasama. Hindi naman siya nagsisisi na hindi niya ito binalikan dahil mas naging maayos siya at nagawa niya d

