Kasama ko ulit ngayon si kuya Ivan,inutusan ulit kami ng superiora na mamalengke kung dati tricycle lang kami ngayon ay sariling motor na ni kuya Ivan ang ginamit namin,ang saya ko dahil nayayakap ko si kuya Ivan sa likod niya.
Iniwan nya muna ako saglit magpapagasolina lng daw siya sa kabilang kanto,ng may lumapit sa akin na dalawang binatilyo.
"Hoy negra pahingi coins pambili namin ng yosi" saad nito,natakot ako at hindi ko sila binigyan,nagalit yung isang kasama niya at tinangkang kunin yung pinamalengke namin kaya tumakbo ako,hinabol pa nila ako,sa kaba ko bigla akong nadapa at ngkasugat sa tuhod,naabutan nila ako at nagtawanan,kukunin na sana yung mga prutas na pinamili namin pero bigla itong napasigaw sa aray.
"tarantado sinong bumato sa akin!" asik nito paglingon ko si kuya Ivan pala nasa likod ko nilalaro pa rin ang toothpick sa bibig niya, siya pala ang nambato.
"anak ng putik ka" galit nung isa niyang kasama sinugod nila si kuya Ivan at nagsuntukan sila pinagtulungan nila si kuya Ivan,natulala ako dahil bumagsak yung isa kinarate ni kuya Ivan,napa wow pa talaga ako bugbog sirado ito,at yung isa tatakbo na sana pero nahuli ni kuya Ivan at natakot ako kasi may dalang kutsilyo si kuya Ivan.
"ang tapang-tapang mo kanina chonggo ka ngayon tatakbuhan mo ako ha!ano! saan mo gustong itirik ko to sayo! sa bunganga mo! o sa dibdib mo! ge na pili na hwag mo na akong inipin!" galit at nanlilisik ang mata ni kuya Ivan hawak ang kutsilyo,kita ko pa ang takot nung binatilyo na kasing edad lng din nito.sa takot ko napasigaw ako sa kanya baka anong magawa pa niya sa binatilyo.
"Kuya Ivan tama na bitawan mo na siya!"mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.
"patawad hindi na mauulit bitawan mo na ako" pagmamakaawa nito,pero bago pa siya binitiwan ni kuya Ivan sinapak niya muna ito sa nguso.
Wala kaming imikan habang nagmamaneho siya sa motor,dumaan muna siya saglit sa pharmacy bago kami umuwi,pagbaba namin paika-ika pa ako sa hapdi ng sugat sa tuhod ko pagkadapa kanina at napaiyak sa sakit.
"bubuwit!" tawag niya sa akin napalingon ako sa kanya may inihagis siya sa akin,napatingin ako sa gawi niya
"ilagay mo dyan sa tuhod mo" irita niyang sabi.Ngumisi naman ako sabay sinok sa sipon ko.
"uhugin ka talaga tulo na yang sipon mo" pang aalaska niya sa akin.
Kaya pabiro ko siyang hinampas hampas a balikat.
"weehhh bubuwit sipunin..bubuwit sipunin" tukso niya sabay kinanta kanta pa talaga niya.
"Kuya Ivan ikaw ha" tawa kong sabi at naghabulan kaming dalawa na parang mga bata.
"Monica! Rivano!" natigil ang kulitan namin ng dumating ang superiora at pinagtitinginan kami.
Kinuha ni kuya Ivan ang mga pinambili namin at nagtaka pa ang superiora sa sugat ko bago tumalikod
binuksan ko ang box na bigay ni kuya Ivan,pagbukas ko sa box,mga gamot pala para sa galos may mga band aid din at betadine,ito pala ang dinaan niya kanina sa pharmacy.Kahit mahapdi ang galos ko hindi iyon mapantayan ang panibagong saya na naramdaman ko na naman ngayon,akala ko walang pakialam sa akin si kuya Ivan meron din pala! dali-dali akong naligo at sinimulang gamutin ang galos ko ng may tuwa sa labi.
______________
Dalawang taon ang lumipas 12 yrs old na ako,nasanay na rin ako sa ugali ni kuya Ivan kahit hindi niya ako pinapansin palagi may concern naman siya minsan sa akin tinutukso niya din ako palagi at maligaya na ako dun,kahit madalas silang ngsasapakan ni kuya Lucas at ilng beses pinaluhod ng asin,may isang beses narinig ko sila ni kuya Lucas na nag aaway at si Ysa pala ang dahilan,nasaktan na naman ang bata kung puso,wala akong magawa kung hanggang bubuwit lang talaga ang tingin niya sa akin,at si Ysa tulad ni kuya Lucas espesyal ang tingin niya sa kaibigan ko.
Isang gabi pinatawag ako ng superiora nagtaka pa ako kung bakit ako pinatawag.
"maupo ka Monica may sasabihin ako sayo" saad nito
"ano po yun mother superiora?"
"makinig ka Monica may mag asawang gustong mag ampon kanina at ikaw ang nagustuhan nila" napatda ako sa sinabi ng superiora,kahit alam ko na kahit anong oras may kukuha dito sa amin para ampunin hindi kasi kaya ng kumbento na pag aralin kami lahat dito.
"hwag kang mag alala Mona mga mababait ang mg asawang aampon sayo at pag aaralin ka din hanggang kolehiyo" Halos isang oras din kaming ng usap ng superiora bago ako lumabas sa silid niya.
Naging malungkot na ang araw ko mula ng nalaman kong aampunin na ako,pero sa isip ko din siguro ito na ang katuparan ng mga pangarap ko para sa mga kapatid ko.Pagkatapos ng klase
Pumunta ako sa bukirin gusto kong makita si kuya Ivan nagiging masaya kasi ako sa tuwing makikita ko siya kahit di niya ako pansinin.
Walang imik akong tumabi ng higa sa kanya sa ilalim ng puno,nilingon niya ako saglit at tinakip ulit yung panyo sa mata niya,abala na naman ang bibig niya sa toothpick na kahoy.
"Aampunin na ako sa makalawa" mahina kong sabi, nakita ko pa na natigilan siya sa paglalaro ng toothpick sa bibig niya.Halos isang oras din na walang nagsasalita ulit sa aming dalawa.
Hindi yata siya sanay na tahimik ako kaya nagsalita siya.
"bubuwit akyat ka ng mangga" saad niya,pero hindi ako kumibo.
"ay hwag na lang tssk!" dinig ko pang sabi niya kaya sinagot ko siya
"bakit naman hwag na lang kuya Ivan" tugon ko
"naka short ka pala kaya hwag na lang" nilalaro niya ulit ang toothpick.
"mas ok nga naka short lang ako madali lang ang pag akyat" seryoso kong tugon
"hwag nga sabi"
"eh bakit nga" pagpipilit ko sa kanya
"eh paano di kita mabusuhan walang thrill!!" sabay tawa.
"ano!ang bastos mo talaga!"
Nagkatawanan kami sa ilalim ng mangga pero sa kaibuturan ng puso ko alam kung hindi na ito mauulit pa,at hindi ko din alam kung magkikita pa ba kami ulit,
"salamat sa dalawang taon na pinasaya mo ang puso ko kuya Ivan kahit hindi ako ang gusto mo,habambuhay kitang gugustuhin kahit ikaw pa ang pinakabarumbadong lalaki na nakilala ko,kahit langit at lupa mn ang pagitan natin hinding hindi ako magsasawang gustuhin ka"
bulong ko sa aking sarili bago namin npagdesisyunang umuwi dahil ngbabadya na ang malakas na ulan.