Seffira’s POV ‘‘Welcome to Singapore Changi Airport,’’ basa ko sa isang karatola. Nandito na nga kami sa Singapore at tuwang-tuwa naman ako at hindi ko lang pinapahalata sa mga kasama ko. Kailangan kong magmukhang sopistikada kahit papa’no. Pagkalabas namin sa mismong airport may isang bus namang sumundo sa amin patungo sa ‘Mandarin Oriental Singapore’ isang luxury hotel kung sa’n kami mamalagi ng isang linggo. ‘‘How are you feeling guys?’’ tanong ni Mamita sa amin habang nakatayo sa gitna nitong daanan sa bus. ‘‘Maayos naman po ako Mamita and I’m happy to be part of this team,’’ I said while smiling. Hindi naman kami magkatabi ni Tyron ngayon at ayos lang din sa akin. Umupo naman si Mamita at ibinaling ko na lang ang aking tingin sa labas ng bus. Napakaganda pala rito sa Singapor

