Seffira’s POV Nandito ako ngayon sa likod ng aming mansion sa may maze. Today is Sunday at wala kaming practice tanging pahinga ko rin sa araw na ito. Ngayong umaga nga lang dahil mamayang hapon pupunta ako ng restaurant upang i-check mga staff ko kung, ayos lang ba sila at baka may nangangailangan ng tulong sa akin. Habang nasa moment ako nang pakikinig sa musika, bigla na lang may tumawag sa akin. Nakita ko naman na si Mommy ito kaya agad ko itong sinagot. Hindi ko na itinapat ang cellphone sa aking tenga dahil naka-earphone naman ako. ‘‘Yes, Mom!?’’ masiglang bati ko. ‘‘May nagpadala sa ‘yo ng regalo at ipinadala ko na sa maid natin diyan, okay?’’ she said. Napangiti naman ako sa sinabi niya. ‘‘Yes, Mom… thank you.’’ Ibinaba ko naman ang tawag at agad naman dumatin

