Luiz’s POV Nandito ako ngayon sa aking kuwarto at nagpapahinga. Kagabi pa ako hindi mapakali at baka kasi may masamang nangyari sa aking mag-ina. Baka huli na ang pagpapadala ko ng tauhan na magliligtas sa kanila. Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni, tumayo na ako at nagtungo sa banyo upang gawin ang aking morning routine. Matapos akong gawin ang morning routine, agad akong lumabas ng kuwarto upang makapag-umagahan na. Ang masasabi ko lang sa mansion ko ay mas malaki pa sa mansion ni Shaira. Pagkadating ko sa dining area, nakahanda na naman ang mga kakainin namin. Tama kayo nang nababasa, kasama ko lagi ang mga kasamahan ko rito sa bahay sa pagkain. I don’t want them to be left behind inside my mansion. ‘‘Good morning Sir…’’ kaniya-kaniyang bati nila sa akin. Umupo naman ako s

