Malakas ang ulan. Ramdam namin ang bahagyang pagkalampag ng aircraft. Mula sa itaas, Kitang kita ang impiyernong inalisan namin sa ibaba.Nagbabaga ,umuusok at kahit di namin nakikita alam naming marami paring taga village ang nandoon. Humihingi ng tulong. Napasandal ako sa gilid hindi kalayuan sa mga hostage kung saan wala paring malay si Dhoz .Sobra akong nanghihina. Hindi ko na sila tinignan pa mula kanina. Alam kong nakikilala niya ako, nagtataka, hindi makapaniwala. What the hell are they doing here? Of all places.. Why here? Nagsimulang manginig ang mga kalamnan ko, nangatal ang labi ko. Pilit kong pinipigilan ang emosyong gusto ng umalagpas mula pa kanina.Nanakit yong lalamunan ko sa sobrang pigil sa pag iyak. I hate it. I hate what's happening.Gusto kong iuntog yong ulo ko ng ma

