"Honey, behave ka do'n ha? Huwag bigyan ng sakit ng ulo si teacher Yvonne mo." "Yes mommy," humihikab na sagot ni Skeet sa'kin. "Oh, bakit parang inaantok pa ang anghel ko, hmm?" "Mom, I think I'm not feeling well. Can I just stay here with Lola Nelia and I'll sleep?" Nakangusong saad nito. "Ayan ka na namang bata ka. Huwag kang maniwala d'yan Amethyst, nagdadrama na naman 'yan para hindi makapasok." Biglang sumabat naman si manang na kagagaling lang ng kusina. "No Lola! I'm not really feeling well. My head is dizzy," nakalabing sagot ni Skeet. "Naku, pamangkin masama ang magsinungaling. Yung totoo? Masama ang pakiramdam mo o tinatamad ka na namang pumasok?" Singit naman ni Shawn na kakalabas lang din ng kwarto na nakabihis na rin ng school uniform niya. Nakatingin lang ako sa kanil

