Love and pain are inseparable twins. When you choose to love, you choose to embrace the possibility to be hurt. And you will only understand that you truly love when you get hurt. Minsan ang tadhana masyadong paasa. Kung kailang nasa tuktok ka ng kaligayan ay hihilahin ka niya pababa. Ang masaklap pa ay masyadong masakit ang pagkakahulog niya sa'yo. Yung tipong hindi mo alam kung papaano ka babangon at kung makakaya mo pa ba. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang nangyari ang bagay na nagpapahirap ngayon sa kalooban ko. Pero sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi ko pinabayaan ang sarili ko. Kumakain ako sa tamang oras at umiinom ng mga gamot na nireseta sa'kin ni doc. Tinatanong din ako ni Shawn pero sinasabi ko na lang na huwag akong pansinin. Ayaw ko munang magsalita. Pakiramd

