Chapter 3

1046 Words
"Congrats buddy, ang galing mo. Mana ka talaga sa'kin." Bahagya pang ti-nap ni Stan si Shawn pagkasabi na pagkasabi niya no'n. Nahiya naman ang hanging habagat sa kayabangan niya. "Thank you, kuya. Deserved naman talaga ako ng mga awards ko eh, hahaha." Napangiti na lang ako sa usapan ng dalawa. Mukha ding nahawaan na ng kayabangan niya ang kapatid ko. Ganoon pa man, masaya ako para sa kapatid ko. Worth it lahat ng pagpapagod ko sa trabaho para sa aming dalawa, napakaswerte ko dahil binigyan Niya ako ng isang kapatid na katulad ni Shawn. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at nakahanda akong magsakripisyo alang-alang sa ikabubuti niya. "Dahan-dahan naman sa kayabangan ha, hindi ako prepared, baka liparin ako ng hangin. Ang lakas eh..." singit ko sa kanilang usapan. Katatapos lang ng recognition program nila Shawn at pagkatapos ng program ay agad kaming dinala ni Stan dito sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya niya. "Baby naman, we're just saying the truth. Deserved naman talaga ni Shawn ang awards niya, diba little bro?" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa maganda kong mukha dahil sa tinawag niya sa'kin. Ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig, parang gusto ko tuloy maglumpasay sa inuupuan ko. I gave him a bored look nang mahimasmasan na ako. Sinubukan kong ikubli ang ngiting gustong kumawala sa bibig ko. "Ate, mukhang lalagnatin ka, ang pula-pula mo." Napatingin naman sa mukha ko si Stan dahil sa sinabi ni Shawn. At nang magtagpo ang mga mata namin, he gave me a lopsided smile. Alam kong alam niya ang dahilan ng pamumula ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko at itinuon sa kinakain ko. "Kinikilig ka na niyan?" Hindi pa man ako nakarecover sa pagtawag niya sa aking 'baby' ay nanindig naman ang balahibo ko sa ibinulong niya kaya naman siniko ko siya. Buti na lang nakatuon na ulit ang atensyon ni Shawn sa pagkain niya kaya hindi niya napansin ang pagbulong sa akin ni Stan. Pabilog pa naman ang mesang kinakainan namin katulad ng sa bahay. Pinanlakihan ko siya ng mata na nagpatawa sa kanya, buti na lang hindi kami napansin ng kapatid ko. Pagkatapos naming kumain ay inihatid din kami ni Stan sa bahay. Nagbihis na din ako ka agad dahil papasok pa ako sa trabaho, sayang din naman ang half day. Gustuhin ko mang magpahinga ay hindi pwede, nasasayangan talaga ako. Buti na lang inihatid din ako ni Stan sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. "Thank you sa paghatid sa'kin Stan, malaki na talaga ang abala namin sa'yo." "You don't have to thank me Sham, ayaw ko lang na masyado mong pinapagod ang sarili mo sa trabaho." Mataman naman akong tinitigan ni Stan sa mata kaya hindi ko napigilang umiwas ng tingin. "Ahm, s-sige pasok na ako..." sabi ko nalang at akmang maglalakad na ako papasok ng restaurant ay mabilis niyang akong hinila sa braso. "Please don't stress yourself too much, I'll fetch you later." Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. "Ah, sige. Ikaw ang bahala. Thanks ulit." Mabilis akong tumalikod at naglakad papasok sa restaurant. Pakiramdam ko kasi kunting-konti na lang ay bibigay na ako sa kanya. Wait, kami na ba talaga? I already said the magic words last night pero hindi manlang namin nagpag-usapan kung ano na ba talaga meron kami. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman na din ako sa kanya pero natatakot ako. Magkaiba ang mundong ginagalawan namin, langit siya at lupa ako. Walang-wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng ka level niya. Nanliliit ako sa sarili ko sa tuwing naiisip ko 'yon. Hindi sa wala akong tiwala kay Stan pero paano kung mawala ang feelings niya sa'kin? Kung sasagutin ko siya, first boyfriend ko siya pag nagkataon. Pero paano kung mahal niya nga talaga ako? Ewan. Pero sinagot ko na nga siya kagabi. Hay... Naguguluhan na talaga ako kaya ngali-ngaling binatukan ko ang sarili ko sa mga naiisip ko. Trabaho dapat ang isipin mo Shane Ametyst. "Uso na ba ngayon ang mambatok sa sarili? O sadyang, may saltik ka na Shane Amethyst." Bumungad sa'kin ang natatawang mukha ni Mylene na kasama ko trabaho. "Trip ko lang batukan ang sarili ko eh, try mo din kaya, ang sarap sa pakiramdam," sarkastiko kong sagot. "Ewan ko sa'yo. Para kang timang diyan, epekto na siguro 'yann ng pagkakaroon ng mayamang manliligaw." Napailing nalang ako sa sinabi ni Mylene. Siya lang ang medyo ka close ko dito sa trabaho. Wala din akong matatawag na best friend pero marami akong close friends, hindi nga lang ako palakwento ng nararamdaman ko. "Tigilan mo nga ako, palibhasa inloved na inloved ka sa boyfriend mo eh. Yang mga mata mong malaki, nagiging hugis puso na. Pfttt.-" "Hay naku, hindi ko alam kung anong pwedeng itawag sa'yo. Bulag ka o sadyang tanga ka lang. Isda na nga ang lumalapit sa'yo, hindi mo pa binibingwit. Nakow, swerte mo nga eh, ang wafu ng papa Stan mo, may datong pa, at mukhang seryoso din naman sa'yo, 'san ka pa." Napanganga na lang ako sa pinagsasabi ni Mylene, minsan talaga BI din ang isang 'to. "Ewan, naguguluhan ako at isa pa natatakot din ako. Baka kasi sa huli, marealize niyang hindi niya naman talaga ako mahal. Na baka attracted lang siya sa'kin..." sagot ko. I don't want to give her a hint na sinagot ko na nga si Stan kagabi. Madaldal pa naman siya, baka mamaya kumalat sa lahat ng katrabaho namin. "Nakow girl, hindi mo malalaman kong hindi mo susubukan noh, masarap kayang ma in love. Siyempre hindi naman puro happiness lahat noh, pag nagmamahal ka, hindi talaga maiwasan na masaktan ka. Kumbaga sa mga lalaki, kailangan muna nilang pagdaanan ang sakit na dulot ng pagtutuli para maging ganap na isang lalaki. Kaya girl, go lang ng go. Isa pa, nakikita ko naman na mahal ka naman ng papa Stan mo." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sabagay may point din naman siya. "Oo na, pag-iisipan ko. Magtrabaho na nga lang muna tayo." Sabi ko na lang at hinarap ang mga utensils na huhugasan namin. Sus, Shane Amethyst. Pag-iisipan pa e kumiringking ka na nga kagabi. Ay, nesfruta! Ano ba 'tong naiisip ko? Sabagay mukhang pasok na pasok naman si Stan sa four M. Hindi na masama. Machong Mayamang Masarap Magmahal. Susmaryosep! Ang landi ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD