Episode 26

3426 Words

"Sunduin n'yo na lang si nurse para ayusin ang sugat niya sa ulo. O... umaagos ang dugo." "Hindi ka dinala sa clinic dahil nand'un 'yung mga nasaktan mo. 'Yung mga sinabuyan mo ng lupa." "Ikaw conscious ka naman. Pero kung may nararamdaman kang pagkahilo o inaantok magsabi ka.", tuloy tuloy na wika ng guidance counselor. "Du'n ka sa municipal hospital dadalhin. Pero kailangan ma-address natin agad ang issue. Malala itong nagawa mo, pero ayaw kong sabihing kasalanan mo ang lahat ng ito. Kasi hindi mo magagawa 'yan nang walang mabigat na dahilan. Walang taon na hindi ako nakawak ng insidente sa eskwelahan na ito na ganyan ka-distressed ang estudyante. Ikaw isa ka lang sa mga 'yun.", saka siya umalis sa kanyang desk at pumunta sa isang kwarto. "Ma'am, narito na po si Magnolia.", pagbukas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD